Wednesday, February 26, 2014

Napeggad


Based on a true story.

Ilocos, isa sa pinaka-magandang probinsya sa Pilipinas. Nasa northwest ng Luzon at pwede mo na ring masabi na nasa dulo ka na ng Pilipinas dahil sa mapuputing buhangin at parang hindi natatapos na karagatan. 

Pumunta kami sa Ilocos, hindi lang dahil sa beach kundi para na din sa kultura at mga tila ba napagiwan na ng panahon na mga tanawin dito.

Siguro mga nasa higit 7 na oras bago kami nakarating sa Ilocos mismo. Ginamit namin ang bago naming van at handa kami para sa mahaba naming paglalakbay. Puro tulog lang siguro ginawa ko sa byahe. Puro din kami stop over, picture dito, picture doon kahit may bakas pa ng tuyong laway at magulo ang buhok. Kahit nga mga marker o kahit saan talagang pwede tigilan para magpapicture, tinitigilan namin.

Isa sa mga paboritong kong tourist spot ay ang Cape Bojeador Lighthouse o kilala din bilang Burgos Lighthouse. May nakita kaming sign sa gilid ng daan na yung maliit na daan daw na yun ay papunta sa isang lighthouse. Kumanan kami at sinundan naman yung daan hanggang dumating sa pataas sa isang burol na ang tawag pala ay Vigia de Nagpartian.

Maganda sa taas. Hindi ka pa nga nakakakyat sa mismong lighthouse eh halos kita mo na ung dagat at ung mga dinaanan para makupunta ka dun. Yung lighthouse mismo din ay sobrang nakakamangha na nakakatakot kasi feeling mo talaga may kakaibang meron sa lugar na yun. Tipo bang pag dumilim na, eh may babaeng maglalakad sa corridor o di kaya'y masasagi bigla ng ilaw ng lighthouse.

Bukod pa sa lighthouse, nagustuhan ko din yung Bangui Windmills. Iba talaga ang galing ng utak at science. Siguro, isa to sa mga rason kung bakit mayaman ang Ilocos. Dahil may sarili silang pinagkukuhanan ng energy. At hindi rin naman masama kung hindi sasayangin kung ano meron na kayang ibigay ng kalikasan.

Pero yung pinakagusto ko ay yung beach. Iba pa din talaga yung hatak ng dagat ehh. White sand, endless sea, iba yung katahimikan na nabibigay nito sayo. Kahit saglit meron kang peace of mind. Pagudpud, Ilocos Norte, God's gift to tired souls. Pero hindi ko lang alam kung natuwa ba ko dahil mahangin o nilamig talaga ko. Pag-ahon ko kasi sa tubig, akala mo may epilepsy ako sa panginginig sa sobrang lamig ng hangin eh.

Nakakalungkot na magpaalam sa isang napakagandang lugar pero kailangan eh, may pasok na kasi kinabukasan. Umalis kami ng bandang alas-syete sa Pagudpud at tumalak na pabalik ng Maynila.

Pagod sa buong araw, siguro matutulog na naman ako sa byahe. Ngayong pauwi, 'yung tito ko na yung magddrive dahil sa probinsya naman at tntest drive ang bago sasakyan. Dalawa sila ni Papa sa harap, si papa muna habang tinuturo niya kung paano ba ang dapat gawin.

Madilim sa daan, nakakatakot pero probinsya nga kasi to diba? Isang oras, dalawang oras, mga ganun na siguro ako katagal na tulog. Mahaba ang high-way at puro bahay pa sa gilid ng daan.

Tumigil kami sa gilid ng daan at bumaba si Papa para lumipat sa likod. Si tito na ang magddrive at tumabi na ang asawa niya sa harap para makatulog naman si Papa. Palitan ang style sa mahabang byahe.

Nakabukas ang bintana ko, may tumigil na nakamotor sa gilid namin. Nagsalita siya, tinatanong kung bmbyahe ba daw kami at kung pwede daw bang makisakay hanggang Laoag. Sabi niya hinabol lang daw nila kami at isasakay nga nila ang isang sundalo.

Kinabahan ako bigla. Hindi ko alam kung bakit. Narinig ko ang tito ko na nagsasalita sa Ilokano. Medyo barok dahil matagal na silang hindi nagsasalita nun at hindi rin siya masyadong marunong. Naiintindihan ko lahat ng sinasabi ng lalaki dahil isa rin naman akong Ilokana.

"Mabuting kami met manong", pa ulit ulit na sinasabi ng tito ko. (Takot po kami kuya) (manong-kuya/respeto)

Tuesday, February 25, 2014

1, 2, 3 .. Asawa ni Marie

Sabi ko sa sarili ko sisipagin na ko magpost since gumawa naman ako ng bagong blog which is in tag-lish na nga tapos personal pa. But my last post was way too long ago for my liking. I have no valid excuse or reason for this except, the truth na tamad lang talaga ko.

That being said, today's post is inspired by the conversation my Mom and my uncle had. "Pano mo ba talaga malalaman kung sino sa mga pasahero ang hindi pa nagbabayad?"

My parents are in the UV Express Service business or what my friends, maarte-ly call it, shuttle. Right now, we have about more than 5 PUVs (hindi ko na sasabihin ung exact number, baka makidnap na talaga ko sabi ng parents ko. LOL) that travel from Antipolo to Ayala Ave, vice versa. Baka nakasakay ka na sa isa sa mga 'yun pero hindi mo lang alam.

Kaya ayun, alam ko din naman yung mga paghihirap ng mga drivers at kung ano ba talaga nangyayari pag-gumarahe sila. So I am ashamed to admit na, yes, nakapag-123 na ako. Pero I swear, accident lang talaga yun. Oo nga. Really. It was.

This happened way back tapos maaga kami pinauwi from class for some reason na nakalimutan ko na. Sumakay ako ng FX as I always do at wala naman kasing ibang way. That time, sa harap pa talaga ko umupo. At dahil nga ganun ung nature ng business ng parents ko, of course kilala ko ng barker sa terminal. Kaya ayun, friendly din kami ng driver.

Siguro studyante ako at siguro mukha kong mabait kaya sobrang comfortable lang ung driver sakin. Sa sobrang comfortable niya, pinapabasa niya ung text sa kanya. (kasi kakailanganin niya pa ng reading glasses and the text was business related) Nakikipag-kwentuhan din siya sakin at sumasagot naman ako ng maayos.

Sidetrack muna tayo. I know some people will think "Hmp! Driver lang naman yang mga 'yan eh!" But i'll have you know, lalo na sa mga taong tingin nila mas magaling sila kasi nagttrabaho sa opisina o kaya may mga "pinagaralan", that drivers make more than the average employee or even yung mga considered na mataas ang sweldo. Kumbaga, mga 4++ minimum wage workers ang katumbas na kita ng isang driver na nagbboundary at siguro mga 6-8 minimum wage workers para sa mga may sariling sasakyan. An average driver will make atleast 2000 pesos a day at depende rin yan sa driving conditions. Kaya sana wag natin isipin na mas better tayo or what. Besides, lahat naman dapat nirerespeto.


Sunday, February 2, 2014

Timid

Super thanks to my new found BFF for listening to my crazy ideas, storyline, rants at 2 in the morning. Binola pa ko pwede na daw pang short film. Kakaloka ka masscom! Oo, acknowledgement page to J
Hello sa number #1 fan ko! :D

TIMID
Draft 1 02/02 12:28pm

Anong unang napapansin mo sa isang tao?

October 16, Wednesday
Itong araw na ‘to katulad lang din ng ibang araw. Walang nangyari iba, kung ano yung kahapon, ganun din ngayon.

Inabot ko yung bayad nung babaeng nasa likod sa driver.  Iningatan kong hindi mahulog yung mga barya. Ang lambot ng kamay niya. Parang ang manyak pakinggan pero ‘yun ang unang bagay na napansin ko sa kanya.  “Valley golf po”, Narinig kong sinabi niya.

Inabot ko yung sarili kong bayad sa driver, “Floodway po”, sabi ko. Nagheadset ako at naisip ko, ganito na lang ba talaga gusto kong gawin sa buhay ko?

Magdadalawang taon na kong nagta-trabaho sa isang BPO company sa Makati. Monday to Friday, 8am to 5pm pumapasok ako. Gigising ng 6 ng umaga, papasok sa trabaho, uuwi ng 5:30 ng hapon, kakain, magiinternet saglit, maglalaba kung meron lalabhan, matutulog. Araw araw sa nakaraang taon ganyan.

Para saan pa ba ko bumabangon?

October 28, Monday
Niyaya ko ng mga katrabaho ko na lumabas ngayon. Nagdahilan ako, sabi ko marami akong gagawin tsaka masama pakiramdam ko. Ewan ko ba, ayoko lang talagang makipagusap ngayon.

Naghintay ako ng fx pauwi. Sumakay ako sa bandang likod. Nakahinga naman ako ng maluwag nung makita ko na isa na lang ‘yung kulang.  

Nakabukas ‘yung pinto. Kinukuha ng barker ‘yung mga bayad. Sumigaw siya, “Oh isa na lang, aalis na!” Uwing uwi na ko kaya yumuko ako. “Hi kuya!” narinig kong sinabi ng isang pamilyar na boses. Napalingon ako sa direksyon na pinangalinan ‘nun.  “Oh kanina pa nga kita inaantay”, sabi ng barker.

Umupo ‘yung babae sa katapat kong upuan. Ngumiti siya pero hindi ko alam kung sakin ba o sa barker.
Ang sama talaga ng pakiramdam ko kaya pumikit na lang ako.

November 6, Wednesday

Ang haba ng pila sa terminal. Hindi ko alam kung bakit.  Pero nakita ko siya ngayon. Siguro, mga tatlo o apat na tao lang ‘yung layo niya sakin. May nagtanong sa kanya kung pa-Tikling daw ba ‘yung mga fx at kung paano pumunta ng Simbahan ng Taytay. Narealize ko na ang cute pala ng boses niya.

Naisip ko rin na siguro naapektuhan na talaga ng computer screen mga mata ko. Hindi ko siya makita ng malinaw. Parang medyo blurred na din ‘yung ibang mga nakasulat sa signs, hindi ko na mabasa.

Ano kayang pangalan niya?

November 15, Friday         
Naalala ko ‘yung babaeng nakikita ko sa FX. Hindi ko alam kung siya ba talaga ‘yun pero hawig niya ‘yung tumatawid galling RCBC papuntang columns.

Pakiramdam ko stalker ako.
\
Kung nasan siya, nandun din ako.

Kung anong ginagawa niya, ginagawa ko din.

November 27, Wednesday
Ngayon ko lang narealize na palagi ko pala siyang nakakasabay. Nakakatawa pero parang jinu-justify ko ‘yung pakiramdam ko na stalker ako.

Random thought lang kasi nauna lang siya ng isang fx sakin ngayon.

Mabilis ko kasi siyang mapansin or siya lang talaga ‘yung tipo ng tao na pansinin. Paanong hindi? Eh parang ang outgoing niyang tao. Tuwing makikita ko siya, palagi niyang binabati ‘yung mga driver o kaya mga barker. In a sense siguro, naisip ko na hindi siya maarte. Ano bang term ditto? Bukod sa matapobre? Basta! Hindi siya ganun eh.

Meron kasing ibang tao na porke’t driver o barker, eh iniisip na nila na mas mataas sila dahil trabaho nila sa opisina.

Ewan ko ba! Ang ganda lang nung vibe na ganun.

Sunday, January 26, 2014

Hindi Ikaw

Hindi Ikaw
Draft 1 (1/26 8:56pm)

“It’s not you, It’s me.“

Ang pinakagasgas na linya na pwede mong magamit para makipaghiwalay and such.

Pang apat na beses na atang nangyari sakin to. Apat na beses, apat na magkakaibang lalaki.

“Hindi naman ikaw ang problema, ako.”

Siguro magkakaiba to ng ibig sabihin in context.

1.       Hindi naman ikaw ang problema, ako. Hindi ikaw ang gusto ko.
2.       Hindi naman ikaw ang problema, ako.  I need to find myself.
3.       Hindi naman ikaw ang problema, ako. I do not deserve you.
4.       Hindi naman ikaw ang problema, ako. Ayaw na kitang masaktan pa.
5.       Hindi naman ikaw ang problema, ako. Marami pa akong gustong maabot.
6.       Hindi naman ikaw ang problema, ako. Hindi ko kayang magseryoso.
7.       Hindi naman ikaw ang problema, ako. Priorities.
8.       Hindi naman ikaw ang problema, ako. Strict ang parents ko.

I can go on and on about this at hindi pa rin siguro mauubos.

Guy #1

Naging kami ni guy #1 nung nasa highschool palang ako. Mas matanda siya sakin ng 1 year in terms of year at sa age, hindi ko na matandaan ngayon.  Siya yung matatawag nating “jock”, hindi ko kasi sigurado sa tagalog pero palagi siyang kasama sa Mythical 5 ng basketball team. Feeling niya din pogi siya. (Kaya nga jock, and yes di ako bitter, nagising lang po. Lol)  

3rd year highschool ako nung time na ‘yun tapos 4th year na siya. At dahil din dun sa gap na ‘yun, ibig sabihin mauuna siya sa college. Iiwan na niya ko sa highschool. We had promised (lol) na kakayanin naming yun. Kaya nung summer ng year before college niya, we spent the time together.

Nung first few months okay naman kami, constant communication tapos minsan nagkikita. Eh ayun hinayupak, inabot na ng second sem eh di nagkandaleche leche na.  (try ko lang yan J )

In the end, sinabi niya sakin ung #4, hindi naman ikaw ang problema, ako. Ayaw na kitang masaktan pa. Tapos sinamahan pa ng complications tulad ng #2, I need to find myself at #6 at #7 na madalas hand in hand, priorities at strict ang parents. Imagine? Siguro mga 19 na siya nun, strict ang mama niya. (lalaki un, it’s really not that usual.)

Guy #2

Nakilala ko si guy #2  dahil sa isang common friend. Mas matanda siya sakin ng isang taon sa age at isang taon din sa year level. At that time, college na ko nun. He was taking up Criminology sa isang university sa Manila. (Ooops! I said too much, hi sayo!)

Matagal ‘yung proseso naming ni Guy #2 at matagal na din pala siyang may feeling sakin tapos hindi ko alam. Madalas kaming magusap, magtext tska na rin magchat. Tapos meron ding nakakatawang habit na uso sa facebook nun’, yung wall to wall, so palagi niyang ginagawa ‘yun. Ito naman ako sumasagot din.

Guy # 2 was almost perfect. Sobrang nakakatawa at hindi kami nauubusan ng topic. Ilang butas ang meron sa isang skyflakes? Sa kanya ko nalaman na 54 pala. Mga ganyan yung usapan naming pag wala na kami masabi. Bakit may butas si spongebob? Alam ba ni Killua na nawawala yung kaptid niya na si Usui? (Anime topic: Hunter X Hunter + Kaichou Maid-sama) Sobrang effort din, babatiin ka ng good morning sa facebook sa umaga pag wala siyang load tapos online ka, makikipagskype kahit inaantok na, magpapaload kahit on duty sa ojt niya. Tapos sasamahan ka sa lugar na di mo alam tapos alam niya kahit may pasok siya. (medyo BI) Pero hindi pogi. Pero hindi naman yun yung problema.

Hindi ko alam kung anong nangyari pero nagusap kami nun. Sabi niya palagi niya daw nakakasama ung ex niya at ang sumatutal eh, gusto niyang itry uli. (Tama ba? Baka ako lang nagsabi niyan) Siya ay isang #1, hindi ikaw ang problema, ako. Hindi ikaw ang gusto ko. Pero baka ako lang talaga nagsabi nung part nay un. Pero sigurado siya ay isang #2, I need to find myself o mas kilala bila si space. At isa rin siyang #3, I do not deserve you.  I do not deserve you daw kasi magkaiba daw kami ng status sa buhay. (which is very BS) State college ba tawag dun sa school nila? Basta something close ganun o yun nga. In short ang nagging ending, langit ka, lupa ako.

Wednesday, January 22, 2014

The Gap (Pt.1)

All characters appearing in this work are fictitious. Any resemblance to real persons, living or dead, is purely coincidental. Unless ikaw si David Villamor, to whom this story is dedicated. (In loving memory. Joke!) Super uber late kung late, lakas maka-filipino time na birthday special. Oo, alam ko masaya ka na diyan sa Australia kahit nang-iwan ka. L

The Gap

Part 1
Draft 1
1/22/13 11:12am

Ngayon ay September 11, araw ng Huwebes.

Nagising ako sa tunog ng cellphone ko. May makulit na tawag ng tawag sakin. Wala sa wisyo kong sinagot yung tawag, ni hindi ko na nga tinignan kung sino yun dahil alam ko na.
Narinig ko mula sa kabilang linya ang mga salitang, ”Good Morning baby! Bumangon ka na diyan, baka malate ka pa sa school.”

Napangiti ako ng hindi oras. Napaka-morning person talaga nito ni Anna. Mag-iisang taon nang kami pero palagi niya pa rin akong ginigising at kahit kelan hindi ako nakarinig sa kanya.

“Good morning din sayo baby kong alam clock,” sabi ko. “Pasok ka na sa klase, papasok na din ako. Sabayan kita sa break mo ha?”

Bumangon na ko. Kumuha ako towel para makaligo na, makapasok at makita ang isa sa mga dahilan kung para saan ako bumabangon. Pero natigilan ako saglit, nagtext pa siya, kumain na daw ako ng breakfast with smiley.

XXXXXX

Nakita ko siya sa cafeteria, nakaupo nang nakaharap ang likod niya sakin. Seryoso siyang nagbabasa ng pocket book na malamang ay bagong hiram mula sa library. Lumapit ako sa kanya ng tahimik at dahan dahan. Tinakpan ko ng dalawa kong kamay ang kanyang mga mata.

Nagulat siya pero agad din naman siyang ngumiti. Hinawakan niya ang gaming mga kamay at nagkukunwaring sinabi ang, “Sino to?”

Nilapit ko ang mukha ko sa kanya at hinayaan kong dumapi ang aking mga labi sa kanyang pisnge. “Ayan, alam mo na?”

Tumawa siya. Tinanggal ko mga kamay ko. “Ano ka ba, nakakahiya!” sabi niya pero nakangiti siya.

Yung mga ngiti niya. Isa yun sa mga dahilan kung bakit paulit ulit akong naiinlove sa kanya. Sobrang infectious ng mga ngiti niya, yung tipo bang gusto mong palagi mo siyang nakikitang nakangiti o kaya naman tumatawa.

XXXXXXX

Tuesday, January 21, 2014

Matrix


All characters appearing in this work are fictitious. Any resemblance to real persons, living or dead, is purely coincidental. Kung akala mo ikaw to, napaka-assuming mo naman. Echoserang palaka!

MATRIX
Unang Subok 
1/21/14 10:21pm

Simula

Paano mo kakalimutan ang isang bagay na kahit kelan hindi naging iyo?


Ako si Josh, 18 years old, malamang lalaki, umiibig ng West Rembo, Makati City. (lol)

Nainlove ako sa isang babaeng ahead sakin ng isang taon. Kumbaga kung third year ako ngayon, siya naman fourth year na. Hindi ko rin sigurado kung bakit ko siya nagustuhan. Kilala kasi ako ng mga kaibigan ko na mapili sa babae. Sabi ko kasi priorities first.

Priorities. Mahilig akong magbasketball, yun nga lang walang sariling team ‘yung school naming. Bago pa lang kasi eh pero pag may mga events sumasali ako. Madalas pa din naman akong magtraining pag weekends. Tapos ang hirap pa ng course ko, magagaling daw sa math mga accountancy eh. (A/N: inside joke) Kailangan mong magbuhos ng time sa pagaaral kahit anong course naman siguro. Lalong lalo na’t gusto ko rin sana maging dean’s list. Ang dami dami kong gustong gawin sa buhay kaya sabi ko wala kong time sa love love na yan.

Pero kinain ko lahat ng sinabi ko nung nakilala ko siya.

First year lang ata ako nun tapos pumunta ko sa bahay ng kaklase ko. Nakaupo kami sa labas ng bahay nila. Hindi ko na maalala kung bakit pero nakatingin ako sa malayo. Nung tinawag ako ng kaklase ko, dun ko lang siya nakita na papalit. Hinahangin ang kulay brown niyang buhok ng slow motion. Tulad ng lahat ng bagay slow motion. Napansin niya na nakatingin ako at ngumiti siya. Bumilis ang tibok ng puso ko. At napatotohanan ko ngang may kakaibang cuteness ang mga dimples.

Pagkatapos nun pinakilala ako ng tropa ko. Nalaman ko na Amanda ang pangalan niya. Amanda, ang dreamy diba? Simula nun nagging friends na kami. Palagi kaming nagkakasalubong sa hallway tapos nagha-hi siya sakin. Minsan din naghhangout kami sa bahay nung tropa ko.

Isang beses naglaro kami ng mga kaibigan ko ng basketball. 40-42 na ung score tapos nakita ko na nandun pala siya. Kumaway siya sakin tapos nagcheer. Nagjoke ako sabi ko, para sayo tapos nagshoot ako ng 3 points. Eh di nanalo kami. Sa sobrang excitement niya niyakap niya ko, ang bango ng buhok niya. Nashoot. Nashoot nga ang puso ko.

Nung kinagabihan naisip ko ung mga bagay na nagustuhan ko sa kanya. Ang mahaba niyang buhok, magandang mata, ang makaagaw pansin niyang dimples pero higit sa lahat, mabait siya, matalino, hindi maarte. Basta ang dami dami kong naisip.

Dumating ung bakasyon, hindi na kami nagkikita kaya sa text o chat na lang kami naguusap. Siguro lagpas isang taon na rin nung mga panahon na yun. Palagi siyang nag-goodmorning, goodnight, kain ka na, yung mga ganun. Hindi ko madescribe kung ano kami eh. Pero masaya naman ako.

Sunday, January 19, 2014

Magaling Ako sa Math

Tuwing tatanungin ako kung anong course ko at sasagutin ko ng accountacy, lagi akong sinasabihan ng,
"Wow! Magaling ka pala sa math", which is so cliche.

Hindi ko maintindihan kung bakit palaging ganyan 'yung sinasabi ng mga tao, eh nagccalculator naman talaga kami. Don't get me wrong on this one. Kasi para sakin mas maiintidihan ko kung sasabihin ko sayo na engineering ako tapos sasabihin mong magaling ako sa math. Mas mahirap kasing intindihin yang sine, cosine, variables and etc. 

Madalas din akong tinatanong kung mahirap ba at palaging ko sinasagot na okay lang, kaya pa naman po, napagtiya-tiyagan. Well, please don't believe me. I take back everything I said. 

Mahirap po. 

At kung mahirap ung sine, cosine, etc., mahirap din pong magbalance ng balance sheet. Mahirap din magisip kung saan mo ba dapat ilagay, kung kasama ba, kung debit ba o credit, sa income statement ba o balance sheet, kung ikaw ba talaga magbabayad o hindi, kung anong method, mga ganun.


Aminado po ako. Yes, I am willing to say na nahihirapan din ako because I am not perfect na alam ang lahat and I will not claim to be. Ngayon ko kasi talagang naramdaman na mahirap. Hindi ko alam kung ano ba dapat ung reaction sa 45/60 ang passing score sa isang test. 45 being equivalent to 75. Ang hirap ng 0 based.

Tuesday, January 14, 2014

DIY Hair Care

Oh no! Andiyan na si crush! Kamusta naman ang hair koooo? 

(May naalala talaga ko sa jingle na to. *Ehem* Carlota.)

Damaged. I think my hair is damaged. Aminado naman ako na yan na nga ang state ng hair ko. Hindi na siya katulad ng dati. Kasalanan ko din from the various things I've done to it, like hair color  and styling with heat. Not to mention ung hair cut fiasco which resulted in split ends. 


Here's me about 2-3 years ago.

Kaya ayun, nagpagupit ako to get rid of split ends and really damaged parts. And now I'm really bent on bringing it back to its original luster. 


Ito yung hair treatment/spa na ginagamit ko ngayon. 2nd time ko na siyang ginamit ngayon and ung results ng 1st time ko eh okay naman.

I used it after kong magpahaircut tapos tinanong ako ng iba kong friends if I had my hair done ganun. So I guess it shows.

Tapos mas soft na din ung hair ko unlike before na medyo frizzy. Mas bagsak na din and sometimes tingin ko ang shiny. All in all, mas manageable na yung hair ko. 


Here's a hair selfie 😂

Friday, January 10, 2014

Sino 'Yang Kasama Mo?

I recently posted a photo on Instagram of me and a certain guy. It was captioned this way,

Naisip ko na gusto ko na ring isulat ung story namin way before lumabas ung pictures pero natabunan na ng natabunan. Dapat nga iba rin ung post ko today. However, dahil somewhat controversial kasi yang photo post eh ang dami na ring nagtanong sakin kung sino ba siya. Sobrang nakakatawa kasi pa-contorversial ang mga tanungan eh, "sino ba yan?", "ex mo?" and the likes. Ha! People, it's not that way. 

Simulan natin ung story sa pinakaumpisa ng mga bagay na naalala ko pa. 

Around 3 or 4 years old ata ako nun, umuwi kami ng lola ko sa province para dun muna magstay. May bahay dun ung kapatid ng lola ko who has 4 sons. To answer the question, siya ung bunsong anak ng kapatid ng lola ko or pwede mo na ring sabihing uncle ko. See? It's that funny.

Well anyway, kasi dahil 4 silang lalaki tapos ako nagiisang babae, natural napunta ung ibang attention sakin. So ayun, nagkaron ng selosan between ng bunsong anak and the new girl.

He was the first boy who always broke my heart kasi palagi niya kong binu-bully.

Favorite naming show at that time was ung hunter x hunter at pokemon sa gma. Yung ginagamit kasing naming TV eh ung nasa kwarto ng mama nila. Kaya ayun pagmanunuod na, illock niya ung pinto para siya lang manuod.

Wednesday, January 8, 2014

Anong Meron Ako na Wala ka?

May nagtanong kasi sakin sa chat, ano daw ung whole name ko? Kaya ito, naispire tuloy akong magsulat ng post kahit kanina tinatamad ako. The title is a spinoff ng isang riddle na ang sagot ay name or pangalan. I apologize, hindi ko masearch sa google yung exact words but I'm sure medyo familiar 'to to some people. Uso din kasi to nung elementary :)

Anong meron ako na wala ka?

It's my name. Pakalat kalat naman tong info na to sa school and sa facebook so I might I as well post it. Yung whole first name ko is Ruechelle Marish. In a sense, unique siguro yung pangalan ko since wala na atang may iba pang first name na ganyan ung spelling. The most popular being, Rochelle.

Madalas silang magkamali ng spelling sa first name ko. Tapos minsan din mahirap bigkasin tapos samahan mo pa ng surname ko, eh nako! hindi na ako natatawag sa klase :))))

Pero dapat talaga, ung first name ko daw is Bea Marish. O kaya Ruechelle Bea Marish? Kaloka! Hindi na naawa 'yung mga magulang sa mga batang natututo palang magsulat sa sobrang haba. 15 letters na yan tapos pag kasama ung surname ko, eh di 24 na. Parang alphabet lang?

Ruechelle. Nung elementary hanggang first few years ng highschool yan ung naging tawag sakin ng mga kaklase ko.


Tuesday, January 7, 2014

Bakit 'Di Ako Crush Ng Crush Ko?

Since blast from the past 'yung mga nakaraang weeks, naalala ko na naman tuloy tong nadelay na post na to. Tapos nakikita ko pa palagi 'yung bagong movie ni Kim Chiu at Xian Lim na Bride for Rent kaya naisip ko yung previous movie nila.

Bakit hindi ka crush ng crush mo?

Sobrang dalang ko magka-crush and there's actually a very funny or frustrating reason kung bakit.

To be on the safe side at para sa privacy na din ng lalaking to, I will not mention names. Haha. Pa-controversial!

Bumalik ako sa Manila nung 6 years old ako para mag-grade 2 sa school na malapit sa bahay namin, mga isang tricycle ganun. Hindi ko alam kung kelan ko siya naging crush pero pagpalagay na lang natin na grade 2. Although masasabi mo ding, ano ba yan, ang bata pa! Hahaha. For consistency's sake, grade 2 yung gagamitin nating year para magbilang.

Maaga akong nag-aral eh tapos hindi pa ko nagkinder two kaya ang smart smart ko lang noon. Haha. So same year ding 'yun nakilala ko 'yung best friend ko and 'yung mga tao that will surround me for the rest of elementary and some sa highschool na din.

Hindi ko rin alam kung bakit ko siya naging crush. Hindi ko na matandaan ngayon. Hindi ko na rin matadaan 'yung ibang events sa buhay "namin". Possibly significant parts na lang.

Marriage Booth. Nung grade 6 kami, napilitan kaming magmarriage booth kasi nahuli kami nung kabilang classroom tapos wala pa kong pambayad ng pang pyansa noon tapos ayaw din naman talaga nila kami aalisin. Ewan ko ba kung bakit uso 'yung mga ganito sa valentine's day ehh. Nakakatawa na nakakahiya na nakakakilig. Ata? Hahahaha.

Thursday, January 2, 2014

Space

SPACE
Draft 1 (01/03 | 12:48am)

Nagbago na ang lahat.

Bakit ko ba to naiisip? Matutulog na nga lang ako’t lahat lahat, maiisip pa din kita.
Sabi nila, ‘yung huling taong maiisip mo bago ka matulog at unang taong maiisip mo pag gising mo, mahalaga daw ‘yun sayo. Ganun ba ‘yun?

Hindi ko alam kung bakit pero hindi maalis sa isip ko na, nagbago na nga ang lahat.
Hinihintay ko ‘yung text mo. Ha! Text na nga lang hinihintay ko oh, hindi na nga tawag. Di ba gantong oras madalas tinatawagan mo ko para lang mag-goodnight? Goodnight pero isang oras pa tayong maguusap bago talaga tayo matulog.

Para kang nanay ko. Niloloko pa nga kita niyan eh. Minsan kasi pinapagalitan mo pa ko pag ayaw ko pang matulog. Palagi mo kong pinapaalalahanan na ‘wag akong magpuyat kasi lalaki ‘yung eyebags ko tapos may pasok pa bukas.

Eyebags. Palagi mong napapansin ‘yung mata ko. Oo, alam ko naman na malaki eh. Huwag mo na ding ideny pero gusto mo talaga mga mata ko.

Pero alam mo nung mga panahon na yun, tayo ‘yung couple na nakakasar kasi ayaw pang magpaalam sa phone kahit nagsabi nan g goodnight. Hahahaha. Nakakasar ‘yung mag ganong couple na, eh ikaw na magbaba, eh ikaw na, parang tanga diba? Pero pag ikaw pala ‘yung nandun sa lugar na ‘yun ang sarap sa pakiramdam na hindi mo rin gugustuhing ibaba ‘yung phone.

Naghihintay na lang ako ng text mo. Pero kahit nga text, ngayon wala eh.

Sa tuwing tumutunog ‘yung phone ko, naeexcite ako pero ang sakit sa dibdib pagnakikita kong hindi pala ikaw ‘yun. Wala ka bang load? Bullshit. Wala ka bang time? Bullshit. Busy ka ba? Bullshit. Manhid ka ba? Oo.

Forever.

Sino pa bang naniniwala sa salitang yan? At gaano ba yan katagal?

Gusto kong itanong kung ano ba talagang problema, kung meron ba talaga. Gusto kong sabihin sayo na, okay lang ako. Hindi pa din nagbabago ‘yung tingin ko sayo. Namimiss na kita. Namimiss mo na ba ko? Gusto kitang makita. Gusto kitang makasama. 

Hello! Naalala mo pa ba ko?

(Updated)


XXXXXXX

Nakakabagot.

Kakatapos lang ng prelims naming. Wala naman akong magawa. Hindi ka na naman nagttext. Ewan ko, hindi ko na masyadong pinapansin. Wala akong pake, sabi ko sa sarili ko.

Nagonline ako sa facebook. Aba! Online ka. Nakita ko yung status mo, feeling happy. Wow! Feeling happy. Ikaw na. Ang daming like, tapos may mga comment pa. Sino ba tong babaeng nagcomment dito? Malandi may pa heart heart pa! Tsss!

Nagchat ako sayo, sabi ko hello, kamusta ‘yung work mo? Sabihin ko sana, kamusta na mga malalanding babae diyan? Hehe pero wag na. Baka sabihin mo nagseselos ako ng walang dahilan. Baka ako na naman ‘yung OA.

Seen 1:43pm

Seenzoned. Ano? Hindi ka ba magrereply? Nako! Lagot ka talaga sakin pag hindi ka sumagot.

Ilang minutes ba dapat bago magreply? Kita ko pa ung comment mo sa status mo oh. Ano nobela ba yang tntype mo?

Naglogout.

Shit! Okay.

Okay lang.

Okay lang talaga.
XXXXXXX

Siraulo.

Siraulo ka. Nagtext ka sakin sabi mo magkita tayo sa usual place pero hanggang ngayon wala ka pa din. 1pm ang usapan natin pero alas dos na wala ka pa din. Namiss-out ko na ‘yung lunch. Nalilipasan na ‘ko ng gutom dito. Alam mo naman na mahalaga ‘yung pagkain sakin, pangalawa lang sayo.

Lagi ka na lang late. Syempre ‘yan na lang inisip ko. Tapos syempre traffic pa ngayon kasi Friday.

Naalala ko booksale pala ngayon. Dun na lang ako magpapalipas ng oras tutal kailangan ko na naman ng bagong librong babasahin. Convenient man ang mga ebook, iba pa din ‘yung tunay na libro diba?

Pero shit! Alas tres na eh. Text na ako ng text sayo pero hindi ka naman sumasagot. Nakailang tawag na rin siguro ako pero wala pa din.