Sabi ko sa sarili ko sisipagin na ko magpost since gumawa naman ako ng bagong blog which is in tag-lish na nga tapos personal pa. But my last post was way too long ago for my liking. I have no valid excuse or reason for this except, the truth na tamad lang talaga ko.
That being said, today's post is inspired by the conversation my Mom and my uncle had. "Pano mo ba talaga malalaman kung sino sa mga pasahero ang hindi pa nagbabayad?"
My parents are in the UV Express Service business or what my friends, maarte-ly call it, shuttle. Right now, we have about more than 5 PUVs (hindi ko na sasabihin ung exact number, baka makidnap na talaga ko sabi ng parents ko. LOL) that travel from Antipolo to Ayala Ave, vice versa. Baka nakasakay ka na sa isa sa mga 'yun pero hindi mo lang alam.
Kaya ayun, alam ko din naman yung mga paghihirap ng mga drivers at kung ano ba talaga nangyayari pag-gumarahe sila. So I am ashamed to admit na, yes, nakapag-123 na ako. Pero I swear, accident lang talaga yun. Oo nga. Really. It was.
This happened way back tapos maaga kami pinauwi from class for some reason na nakalimutan ko na. Sumakay ako ng FX as I always do at wala naman kasing ibang way. That time, sa harap pa talaga ko umupo. At dahil nga ganun ung nature ng business ng parents ko, of course kilala ko ng barker sa terminal. Kaya ayun, friendly din kami ng driver.
Siguro studyante ako at siguro mukha kong mabait kaya sobrang comfortable lang ung driver sakin. Sa sobrang comfortable niya, pinapabasa niya ung text sa kanya. (kasi kakailanganin niya pa ng reading glasses and the text was business related) Nakikipag-kwentuhan din siya sakin at sumasagot naman ako ng maayos.
Sidetrack muna tayo. I know some people will think "Hmp! Driver lang naman yang mga 'yan eh!" But i'll have you know, lalo na sa mga taong tingin nila mas magaling sila kasi nagttrabaho sa opisina o kaya may mga "pinagaralan", that drivers make more than the average employee or even yung mga considered na mataas ang sweldo. Kumbaga, mga 4++ minimum wage workers ang katumbas na kita ng isang driver na nagbboundary at siguro mga 6-8 minimum wage workers para sa mga may sariling sasakyan. An average driver will make atleast 2000 pesos a day at depende rin yan sa driving conditions. Kaya sana wag natin isipin na mas better tayo or what. Besides, lahat naman dapat nirerespeto.
Ayun na nga, balik sa kwento. Dapat hanggang Valley Golf lang talaga nun si kuya pero sa Tikling kasi talaga ko bababa. Eh medyo traffic na, di ko rin mataandaan bakit. So sabi niya hahatid niya ko hanggang sa may Pamcor, medyo lagpas na sa traffic para makasakay din uli ako. At dahil dun sa kakakwento niya sakin, nakalimutan kong magbayad. Nakalimutan ko po talaga.
And the frustrating part was, at one point, nagpabarya ng bente sakin si kuya kasi nga walang panukli. He said something along the lines na nagpapabarya siya sa mga sukli na 5 na binigay niya sakin. So syempre binaryahan ko nga. Hindi ko pa din naisip na hindi pa talaga ko nagbabayad tapos kasi na-confuse na din siguro ako sa sinabi niya.
Sa bahay ko na lang nalaman na hindi pa ko nagbabayad kasi kumpleto ung pera ko eh. Inisip ko ng inisip kung bakit kumpleto 'yung pera ko. Eh kasi nga nag 123 ako.
Kids, do not try this. Huwag niyo pong gagawin. Please lang.
Maliit na halaga lang siguro 'yun pero pinaghihirapan din kasi nila yun eh. At yung maliit na halaga, pag naipon lumalaki. Everything has value, ika nga.
No comments:
Post a Comment