Showing posts with label shorts. Show all posts
Showing posts with label shorts. Show all posts

Sunday, February 2, 2014

Timid

Super thanks to my new found BFF for listening to my crazy ideas, storyline, rants at 2 in the morning. Binola pa ko pwede na daw pang short film. Kakaloka ka masscom! Oo, acknowledgement page to J
Hello sa number #1 fan ko! :D

TIMID
Draft 1 02/02 12:28pm

Anong unang napapansin mo sa isang tao?

October 16, Wednesday
Itong araw na ‘to katulad lang din ng ibang araw. Walang nangyari iba, kung ano yung kahapon, ganun din ngayon.

Inabot ko yung bayad nung babaeng nasa likod sa driver.  Iningatan kong hindi mahulog yung mga barya. Ang lambot ng kamay niya. Parang ang manyak pakinggan pero ‘yun ang unang bagay na napansin ko sa kanya.  “Valley golf po”, Narinig kong sinabi niya.

Inabot ko yung sarili kong bayad sa driver, “Floodway po”, sabi ko. Nagheadset ako at naisip ko, ganito na lang ba talaga gusto kong gawin sa buhay ko?

Magdadalawang taon na kong nagta-trabaho sa isang BPO company sa Makati. Monday to Friday, 8am to 5pm pumapasok ako. Gigising ng 6 ng umaga, papasok sa trabaho, uuwi ng 5:30 ng hapon, kakain, magiinternet saglit, maglalaba kung meron lalabhan, matutulog. Araw araw sa nakaraang taon ganyan.

Para saan pa ba ko bumabangon?

October 28, Monday
Niyaya ko ng mga katrabaho ko na lumabas ngayon. Nagdahilan ako, sabi ko marami akong gagawin tsaka masama pakiramdam ko. Ewan ko ba, ayoko lang talagang makipagusap ngayon.

Naghintay ako ng fx pauwi. Sumakay ako sa bandang likod. Nakahinga naman ako ng maluwag nung makita ko na isa na lang ‘yung kulang.  

Nakabukas ‘yung pinto. Kinukuha ng barker ‘yung mga bayad. Sumigaw siya, “Oh isa na lang, aalis na!” Uwing uwi na ko kaya yumuko ako. “Hi kuya!” narinig kong sinabi ng isang pamilyar na boses. Napalingon ako sa direksyon na pinangalinan ‘nun.  “Oh kanina pa nga kita inaantay”, sabi ng barker.

Umupo ‘yung babae sa katapat kong upuan. Ngumiti siya pero hindi ko alam kung sakin ba o sa barker.
Ang sama talaga ng pakiramdam ko kaya pumikit na lang ako.

November 6, Wednesday

Ang haba ng pila sa terminal. Hindi ko alam kung bakit.  Pero nakita ko siya ngayon. Siguro, mga tatlo o apat na tao lang ‘yung layo niya sakin. May nagtanong sa kanya kung pa-Tikling daw ba ‘yung mga fx at kung paano pumunta ng Simbahan ng Taytay. Narealize ko na ang cute pala ng boses niya.

Naisip ko rin na siguro naapektuhan na talaga ng computer screen mga mata ko. Hindi ko siya makita ng malinaw. Parang medyo blurred na din ‘yung ibang mga nakasulat sa signs, hindi ko na mabasa.

Ano kayang pangalan niya?

November 15, Friday         
Naalala ko ‘yung babaeng nakikita ko sa FX. Hindi ko alam kung siya ba talaga ‘yun pero hawig niya ‘yung tumatawid galling RCBC papuntang columns.

Pakiramdam ko stalker ako.
\
Kung nasan siya, nandun din ako.

Kung anong ginagawa niya, ginagawa ko din.

November 27, Wednesday
Ngayon ko lang narealize na palagi ko pala siyang nakakasabay. Nakakatawa pero parang jinu-justify ko ‘yung pakiramdam ko na stalker ako.

Random thought lang kasi nauna lang siya ng isang fx sakin ngayon.

Mabilis ko kasi siyang mapansin or siya lang talaga ‘yung tipo ng tao na pansinin. Paanong hindi? Eh parang ang outgoing niyang tao. Tuwing makikita ko siya, palagi niyang binabati ‘yung mga driver o kaya mga barker. In a sense siguro, naisip ko na hindi siya maarte. Ano bang term ditto? Bukod sa matapobre? Basta! Hindi siya ganun eh.

Meron kasing ibang tao na porke’t driver o barker, eh iniisip na nila na mas mataas sila dahil trabaho nila sa opisina.

Ewan ko ba! Ang ganda lang nung vibe na ganun.

Sunday, January 26, 2014

Hindi Ikaw

Hindi Ikaw
Draft 1 (1/26 8:56pm)

“It’s not you, It’s me.“

Ang pinakagasgas na linya na pwede mong magamit para makipaghiwalay and such.

Pang apat na beses na atang nangyari sakin to. Apat na beses, apat na magkakaibang lalaki.

“Hindi naman ikaw ang problema, ako.”

Siguro magkakaiba to ng ibig sabihin in context.

1.       Hindi naman ikaw ang problema, ako. Hindi ikaw ang gusto ko.
2.       Hindi naman ikaw ang problema, ako.  I need to find myself.
3.       Hindi naman ikaw ang problema, ako. I do not deserve you.
4.       Hindi naman ikaw ang problema, ako. Ayaw na kitang masaktan pa.
5.       Hindi naman ikaw ang problema, ako. Marami pa akong gustong maabot.
6.       Hindi naman ikaw ang problema, ako. Hindi ko kayang magseryoso.
7.       Hindi naman ikaw ang problema, ako. Priorities.
8.       Hindi naman ikaw ang problema, ako. Strict ang parents ko.

I can go on and on about this at hindi pa rin siguro mauubos.

Guy #1

Naging kami ni guy #1 nung nasa highschool palang ako. Mas matanda siya sakin ng 1 year in terms of year at sa age, hindi ko na matandaan ngayon.  Siya yung matatawag nating “jock”, hindi ko kasi sigurado sa tagalog pero palagi siyang kasama sa Mythical 5 ng basketball team. Feeling niya din pogi siya. (Kaya nga jock, and yes di ako bitter, nagising lang po. Lol)  

3rd year highschool ako nung time na ‘yun tapos 4th year na siya. At dahil din dun sa gap na ‘yun, ibig sabihin mauuna siya sa college. Iiwan na niya ko sa highschool. We had promised (lol) na kakayanin naming yun. Kaya nung summer ng year before college niya, we spent the time together.

Nung first few months okay naman kami, constant communication tapos minsan nagkikita. Eh ayun hinayupak, inabot na ng second sem eh di nagkandaleche leche na.  (try ko lang yan J )

In the end, sinabi niya sakin ung #4, hindi naman ikaw ang problema, ako. Ayaw na kitang masaktan pa. Tapos sinamahan pa ng complications tulad ng #2, I need to find myself at #6 at #7 na madalas hand in hand, priorities at strict ang parents. Imagine? Siguro mga 19 na siya nun, strict ang mama niya. (lalaki un, it’s really not that usual.)

Guy #2

Nakilala ko si guy #2  dahil sa isang common friend. Mas matanda siya sakin ng isang taon sa age at isang taon din sa year level. At that time, college na ko nun. He was taking up Criminology sa isang university sa Manila. (Ooops! I said too much, hi sayo!)

Matagal ‘yung proseso naming ni Guy #2 at matagal na din pala siyang may feeling sakin tapos hindi ko alam. Madalas kaming magusap, magtext tska na rin magchat. Tapos meron ding nakakatawang habit na uso sa facebook nun’, yung wall to wall, so palagi niyang ginagawa ‘yun. Ito naman ako sumasagot din.

Guy # 2 was almost perfect. Sobrang nakakatawa at hindi kami nauubusan ng topic. Ilang butas ang meron sa isang skyflakes? Sa kanya ko nalaman na 54 pala. Mga ganyan yung usapan naming pag wala na kami masabi. Bakit may butas si spongebob? Alam ba ni Killua na nawawala yung kaptid niya na si Usui? (Anime topic: Hunter X Hunter + Kaichou Maid-sama) Sobrang effort din, babatiin ka ng good morning sa facebook sa umaga pag wala siyang load tapos online ka, makikipagskype kahit inaantok na, magpapaload kahit on duty sa ojt niya. Tapos sasamahan ka sa lugar na di mo alam tapos alam niya kahit may pasok siya. (medyo BI) Pero hindi pogi. Pero hindi naman yun yung problema.

Hindi ko alam kung anong nangyari pero nagusap kami nun. Sabi niya palagi niya daw nakakasama ung ex niya at ang sumatutal eh, gusto niyang itry uli. (Tama ba? Baka ako lang nagsabi niyan) Siya ay isang #1, hindi ikaw ang problema, ako. Hindi ikaw ang gusto ko. Pero baka ako lang talaga nagsabi nung part nay un. Pero sigurado siya ay isang #2, I need to find myself o mas kilala bila si space. At isa rin siyang #3, I do not deserve you.  I do not deserve you daw kasi magkaiba daw kami ng status sa buhay. (which is very BS) State college ba tawag dun sa school nila? Basta something close ganun o yun nga. In short ang nagging ending, langit ka, lupa ako.

Wednesday, January 22, 2014

The Gap (Pt.1)

All characters appearing in this work are fictitious. Any resemblance to real persons, living or dead, is purely coincidental. Unless ikaw si David Villamor, to whom this story is dedicated. (In loving memory. Joke!) Super uber late kung late, lakas maka-filipino time na birthday special. Oo, alam ko masaya ka na diyan sa Australia kahit nang-iwan ka. L

The Gap

Part 1
Draft 1
1/22/13 11:12am

Ngayon ay September 11, araw ng Huwebes.

Nagising ako sa tunog ng cellphone ko. May makulit na tawag ng tawag sakin. Wala sa wisyo kong sinagot yung tawag, ni hindi ko na nga tinignan kung sino yun dahil alam ko na.
Narinig ko mula sa kabilang linya ang mga salitang, ”Good Morning baby! Bumangon ka na diyan, baka malate ka pa sa school.”

Napangiti ako ng hindi oras. Napaka-morning person talaga nito ni Anna. Mag-iisang taon nang kami pero palagi niya pa rin akong ginigising at kahit kelan hindi ako nakarinig sa kanya.

“Good morning din sayo baby kong alam clock,” sabi ko. “Pasok ka na sa klase, papasok na din ako. Sabayan kita sa break mo ha?”

Bumangon na ko. Kumuha ako towel para makaligo na, makapasok at makita ang isa sa mga dahilan kung para saan ako bumabangon. Pero natigilan ako saglit, nagtext pa siya, kumain na daw ako ng breakfast with smiley.

XXXXXX

Nakita ko siya sa cafeteria, nakaupo nang nakaharap ang likod niya sakin. Seryoso siyang nagbabasa ng pocket book na malamang ay bagong hiram mula sa library. Lumapit ako sa kanya ng tahimik at dahan dahan. Tinakpan ko ng dalawa kong kamay ang kanyang mga mata.

Nagulat siya pero agad din naman siyang ngumiti. Hinawakan niya ang gaming mga kamay at nagkukunwaring sinabi ang, “Sino to?”

Nilapit ko ang mukha ko sa kanya at hinayaan kong dumapi ang aking mga labi sa kanyang pisnge. “Ayan, alam mo na?”

Tumawa siya. Tinanggal ko mga kamay ko. “Ano ka ba, nakakahiya!” sabi niya pero nakangiti siya.

Yung mga ngiti niya. Isa yun sa mga dahilan kung bakit paulit ulit akong naiinlove sa kanya. Sobrang infectious ng mga ngiti niya, yung tipo bang gusto mong palagi mo siyang nakikitang nakangiti o kaya naman tumatawa.

XXXXXXX

Tuesday, January 21, 2014

Matrix


All characters appearing in this work are fictitious. Any resemblance to real persons, living or dead, is purely coincidental. Kung akala mo ikaw to, napaka-assuming mo naman. Echoserang palaka!

MATRIX
Unang Subok 
1/21/14 10:21pm

Simula

Paano mo kakalimutan ang isang bagay na kahit kelan hindi naging iyo?


Ako si Josh, 18 years old, malamang lalaki, umiibig ng West Rembo, Makati City. (lol)

Nainlove ako sa isang babaeng ahead sakin ng isang taon. Kumbaga kung third year ako ngayon, siya naman fourth year na. Hindi ko rin sigurado kung bakit ko siya nagustuhan. Kilala kasi ako ng mga kaibigan ko na mapili sa babae. Sabi ko kasi priorities first.

Priorities. Mahilig akong magbasketball, yun nga lang walang sariling team ‘yung school naming. Bago pa lang kasi eh pero pag may mga events sumasali ako. Madalas pa din naman akong magtraining pag weekends. Tapos ang hirap pa ng course ko, magagaling daw sa math mga accountancy eh. (A/N: inside joke) Kailangan mong magbuhos ng time sa pagaaral kahit anong course naman siguro. Lalong lalo na’t gusto ko rin sana maging dean’s list. Ang dami dami kong gustong gawin sa buhay kaya sabi ko wala kong time sa love love na yan.

Pero kinain ko lahat ng sinabi ko nung nakilala ko siya.

First year lang ata ako nun tapos pumunta ko sa bahay ng kaklase ko. Nakaupo kami sa labas ng bahay nila. Hindi ko na maalala kung bakit pero nakatingin ako sa malayo. Nung tinawag ako ng kaklase ko, dun ko lang siya nakita na papalit. Hinahangin ang kulay brown niyang buhok ng slow motion. Tulad ng lahat ng bagay slow motion. Napansin niya na nakatingin ako at ngumiti siya. Bumilis ang tibok ng puso ko. At napatotohanan ko ngang may kakaibang cuteness ang mga dimples.

Pagkatapos nun pinakilala ako ng tropa ko. Nalaman ko na Amanda ang pangalan niya. Amanda, ang dreamy diba? Simula nun nagging friends na kami. Palagi kaming nagkakasalubong sa hallway tapos nagha-hi siya sakin. Minsan din naghhangout kami sa bahay nung tropa ko.

Isang beses naglaro kami ng mga kaibigan ko ng basketball. 40-42 na ung score tapos nakita ko na nandun pala siya. Kumaway siya sakin tapos nagcheer. Nagjoke ako sabi ko, para sayo tapos nagshoot ako ng 3 points. Eh di nanalo kami. Sa sobrang excitement niya niyakap niya ko, ang bango ng buhok niya. Nashoot. Nashoot nga ang puso ko.

Nung kinagabihan naisip ko ung mga bagay na nagustuhan ko sa kanya. Ang mahaba niyang buhok, magandang mata, ang makaagaw pansin niyang dimples pero higit sa lahat, mabait siya, matalino, hindi maarte. Basta ang dami dami kong naisip.

Dumating ung bakasyon, hindi na kami nagkikita kaya sa text o chat na lang kami naguusap. Siguro lagpas isang taon na rin nung mga panahon na yun. Palagi siyang nag-goodmorning, goodnight, kain ka na, yung mga ganun. Hindi ko madescribe kung ano kami eh. Pero masaya naman ako.

Thursday, January 2, 2014

Space

SPACE
Draft 1 (01/03 | 12:48am)

Nagbago na ang lahat.

Bakit ko ba to naiisip? Matutulog na nga lang ako’t lahat lahat, maiisip pa din kita.
Sabi nila, ‘yung huling taong maiisip mo bago ka matulog at unang taong maiisip mo pag gising mo, mahalaga daw ‘yun sayo. Ganun ba ‘yun?

Hindi ko alam kung bakit pero hindi maalis sa isip ko na, nagbago na nga ang lahat.
Hinihintay ko ‘yung text mo. Ha! Text na nga lang hinihintay ko oh, hindi na nga tawag. Di ba gantong oras madalas tinatawagan mo ko para lang mag-goodnight? Goodnight pero isang oras pa tayong maguusap bago talaga tayo matulog.

Para kang nanay ko. Niloloko pa nga kita niyan eh. Minsan kasi pinapagalitan mo pa ko pag ayaw ko pang matulog. Palagi mo kong pinapaalalahanan na ‘wag akong magpuyat kasi lalaki ‘yung eyebags ko tapos may pasok pa bukas.

Eyebags. Palagi mong napapansin ‘yung mata ko. Oo, alam ko naman na malaki eh. Huwag mo na ding ideny pero gusto mo talaga mga mata ko.

Pero alam mo nung mga panahon na yun, tayo ‘yung couple na nakakasar kasi ayaw pang magpaalam sa phone kahit nagsabi nan g goodnight. Hahahaha. Nakakasar ‘yung mag ganong couple na, eh ikaw na magbaba, eh ikaw na, parang tanga diba? Pero pag ikaw pala ‘yung nandun sa lugar na ‘yun ang sarap sa pakiramdam na hindi mo rin gugustuhing ibaba ‘yung phone.

Naghihintay na lang ako ng text mo. Pero kahit nga text, ngayon wala eh.

Sa tuwing tumutunog ‘yung phone ko, naeexcite ako pero ang sakit sa dibdib pagnakikita kong hindi pala ikaw ‘yun. Wala ka bang load? Bullshit. Wala ka bang time? Bullshit. Busy ka ba? Bullshit. Manhid ka ba? Oo.

Forever.

Sino pa bang naniniwala sa salitang yan? At gaano ba yan katagal?

Gusto kong itanong kung ano ba talagang problema, kung meron ba talaga. Gusto kong sabihin sayo na, okay lang ako. Hindi pa din nagbabago ‘yung tingin ko sayo. Namimiss na kita. Namimiss mo na ba ko? Gusto kitang makita. Gusto kitang makasama. 

Hello! Naalala mo pa ba ko?

(Updated)


XXXXXXX

Nakakabagot.

Kakatapos lang ng prelims naming. Wala naman akong magawa. Hindi ka na naman nagttext. Ewan ko, hindi ko na masyadong pinapansin. Wala akong pake, sabi ko sa sarili ko.

Nagonline ako sa facebook. Aba! Online ka. Nakita ko yung status mo, feeling happy. Wow! Feeling happy. Ikaw na. Ang daming like, tapos may mga comment pa. Sino ba tong babaeng nagcomment dito? Malandi may pa heart heart pa! Tsss!

Nagchat ako sayo, sabi ko hello, kamusta ‘yung work mo? Sabihin ko sana, kamusta na mga malalanding babae diyan? Hehe pero wag na. Baka sabihin mo nagseselos ako ng walang dahilan. Baka ako na naman ‘yung OA.

Seen 1:43pm

Seenzoned. Ano? Hindi ka ba magrereply? Nako! Lagot ka talaga sakin pag hindi ka sumagot.

Ilang minutes ba dapat bago magreply? Kita ko pa ung comment mo sa status mo oh. Ano nobela ba yang tntype mo?

Naglogout.

Shit! Okay.

Okay lang.

Okay lang talaga.
XXXXXXX

Siraulo.

Siraulo ka. Nagtext ka sakin sabi mo magkita tayo sa usual place pero hanggang ngayon wala ka pa din. 1pm ang usapan natin pero alas dos na wala ka pa din. Namiss-out ko na ‘yung lunch. Nalilipasan na ‘ko ng gutom dito. Alam mo naman na mahalaga ‘yung pagkain sakin, pangalawa lang sayo.

Lagi ka na lang late. Syempre ‘yan na lang inisip ko. Tapos syempre traffic pa ngayon kasi Friday.

Naalala ko booksale pala ngayon. Dun na lang ako magpapalipas ng oras tutal kailangan ko na naman ng bagong librong babasahin. Convenient man ang mga ebook, iba pa din ‘yung tunay na libro diba?

Pero shit! Alas tres na eh. Text na ako ng text sayo pero hindi ka naman sumasagot. Nakailang tawag na rin siguro ako pero wala pa din.

Tuesday, December 31, 2013

Alas Dose

Hello! Yung story na ‘to is inspired from the classic tale of Cinderella. I know, cliché right? Siguro medyo gasgas na pero naisip namin it would be fun to write.

Salamat sa brainstorm partner ko para sa story na to, Thanks B!

Hindi ko alam kung okay lang bas a tag-lish pero draft pa lang naman to. Forgive me J

Legend:
** Kailangan ba tong scene na to? 

ALAS DOSE

Draft 2 ( 01/01 | 12:46pm )

Paghuhugas.

‘Yan ung favorite kong gawaing bahay. Ewan ko ba, there’s something soothing sa paghuhugas. Parang therapy na din to para sakin, siguro kasi nakakapagisip ako habang ginagawa ko ‘to.

Unahin ang mga baso, isunod ang kutsara’t tinidor at tapusin sa mga plato’t pinaghainan. Sabunan, banlawan at iligpit, napaka-mundane na task pero paginisip mo parang may mas malalim na kahulugan. Like my life na napaka-routine na din, bahay-school, that’s all there is to it. Minsan nakakabother na din.

Nagbeep ung phone ko. Nagtext si Jenna, check ko daw facebook ko asap. Lol. Sino pa bang gumagamit ng salitang ASAP ngayon?

Pulang pula. Pulang pula ung facebook sa dami ng noti ko. Apparently, magkakaroon kami ng Christmas Party sa 20. Excited naman masyado mga tao, December 2 palang ngayon pero ang haba na ng thread tungkol sa topic na ‘to.

Pupunta ba ko? Yan ang malaking tanong. Hindi naman ako mahilig sa parties. ½ kasi hindi naman at hindi ako marunong sumayaw, ¼ kasi hindi ako umiinom at ¼ na din dahil mahilig lang akong kumain.

Hindi siguro. Ewan. Bahala na.

Kinabahan ako.

Habit ko yung humawak sa letter R sa charm bracelet ko pag kinakabahan ako.

Nagro-room to room yung student council ngayon para magannounce tungkol sa party. Tumingin ako sa kanya, ang gwapo niya talaga sa corpo. Tumingin siya sa direksyon ko pero umiwas ako ng tingin.

(Student council president siya, samantalang ako, normal na istudyante lang. Kumbaga, nasa highest rank siya ng ladder at ako, wala lang.)**

Bakit ba? Bakit ako kinakabahan pag ‘nandyan ka? Bakit hindi ako makatingin sayo ng diretso?

Nakakatawa kasi announcement lang naman to pero ang init ng pisnge ko.

Pero

PERO
Draft 1 (12/31 | 6:02pm)

3 years.

Ganyan na tayo katagal na magkakilala.
3 taon, 1 linggo at 1 araw to be precise.

Nakilala kita dahil sa mga kaibigan ko. Uso pa nun ung mga pages sa facebook tapos admin ka ng isang sikat na page. Nung araw na yun, hindi ko naman alam na may GEB kayo. Naisip ko pa nun, napaka-jologs ng mga ganung event. Pero siguro mahiyain lang talaga ko at mahirap magmeet ng mga tao na hindi ko naman talaga kilala and for safety reasons na din.

Naghello ka sakin. Ano bang una kong sinabi sayo? Hindi ko na matandaan. Siguro ngumiti lang ako, Gawain ko sa mga taong hindi ko naman kilala. Medyo show off na din ng dimples. Lol.
Hindi ka naman, sa opinion ng society, pogi. Siguro malakas ung dating pero nung mga panahon na un, wala pa un sakin.

Naging friends tayo. Minsan nagkakachat, nagkakatext at nagkakasama rin with our mutual friends.

Friends.

That’s all there is to it, diba?

Tapos nun nagka-girlfriend ka. Due to some unknown circumstances, nagging close kami. Palagi pa nga siyang nagsusumbong sakin tska nagkwwento. One time, nagkita pa nga kami para lang pagusapan kung ano ba dapat surprise niya sayo.

Ano bang nangyari? Hanggang ngayon nga hindi ko pa rin alam pero naghiwalay kayo. Nandun ako para sa kanya, sabi niya, sabi mo hindi na nagwwork tapos nawala ka na. Pinuntahan ka niya sa school niyo, matagal siyang nagantay dun pero hindi ka niya nakita.

Matagal ka din talagang nawala. Naalala mo pa ba?

Pero isang araw tnext mko. Nagkakausap na tayo uli. Hindi naman ako nagtanong kung ano ba talaga nangyari.

Thursday, December 5, 2013

HINDI PWEDE 1

HINDI PWEDE
Draft I
12/26/2013 1:35pm

Hindi ko alam kung kelan ko ito unang naramdaman. Siguro nung unang beses na nakita ko siya, matangkad, maputi, matangos ang ilong at chinito (?), mga characteristics(?) na na-aattract ako sa isang lalaki. O baka nung nakita ko siyang tumulong sa mga bata sa kalye, madalas kasing iwasan o pag-isipan ng masama ang mga tulad nila. O di kaya naman nung nalaman kong magaling siyang sumayaw, meron talaga lagging spark sa mga lalaking ganito. Hindi ko alam kung kelan. Basta ang alam ko, nararamdam ko na to.

Lunes, pinaka-nakakainis na araw sa isang lingo. Maaga akong dumating sa school para maghintay sa wala. Tatlong oras na subject tapos walang prof? Hindi makatarungan!
Lumabas ako ng school para tumambay sa mini stop na katapat lang nito. Ano bang gagawin ko sa loob ng tatlong oras? Nagheadset ako at nagdesisyong magpatugog habang tinitignan ang mga taong dumadaan. Naisip ko, napakaraming mapangpanggap sa mundo. Sa may ramp, may mga nagyoyosi, umaastang astig at untouchable, walang kinakatakutan. Pero sa loob din nila, may boses na gustong kumawala. Hindi alam ang gagawin kaya sa ganitong paraan na lang din ginagawa.
Sumagi sa isip ko na umuwi na lang, nasasayang ang oras. Pero natigilan ako. Umupo sila sa kalapit na mesa, ang lalaking pinapangarap ko at ang girlfriend niya.  Mukhang may problema sila. Pinilit kong hindi pansinin pero halata sa mga actions nila. Hinaan ko ang volume at kahit alam kong hindi dapat, nakinig ako.
Hindi sila okay. Yes! May pag-asa na din kami! Nakakatawa, sinampal ko sarili ko sa aking isip. Ilusyonada!
Lumipas ang araw na ‘to na parang walang nangyari pero hindi ko maalis sa isip ko, matindi na nga ang nararamdaman ko.

XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX

                Ilang araw ko na siyang hindi nakikita. Hindi ko alam kung may kinalaman ba ‘to sa nangyari nung isang lingo o sadyang hindi ko lang talaga siya nakakasabay.
Malungkot ako.
Sumakay ako ng jeep, oras naman ng paguwi. Tumingin ako sa labas at hinayaang pumalo ang hangin sa aking mukha. Pumikit ako at naisip kong wala ng pag-asa ang araw na to.
“Bayad po.”
Narinig ko ang boses niya. Tumigil ang lahat. Dalawang tao lang ang pagitan naming sa isa’t isa. Hindi ko alam kung bakit hindi ko siya napansin pero nasabi ko sa sarili ko na sana hindi na lang ako pumikit.
“Bayad po.”
Inulit niya ang mga katagang ito. Napatingin ako sa kanya at tska ko lang na-realize na hinihintay niyang may magabot ng bayad. Gusto kong abutin ang bayad niya. Kahit madaplis man lang sana ang mga kamay ko sa kanya. Pwede na yun sa holding hands para sakin.
Slow motion ang lahat. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Pinagpapawisan ang mga kamay ko, pakiramdam ko ang tagal ko magisip. Ano ba! Iaabot mo na!
In-extend ko ang aking kamay na astang kukunin. Pero huli na ang lahat. May nagabot na.
Nainis ako sa sarili ko. Ayun na ung chance ko pero nawala pa!
Bumalik ako sa pagiging malungkot. Malapit na siyang bumaba, hindi ko na naman alam kung kelan ko siya makikita.