Wednesday, January 8, 2014

Anong Meron Ako na Wala ka?

May nagtanong kasi sakin sa chat, ano daw ung whole name ko? Kaya ito, naispire tuloy akong magsulat ng post kahit kanina tinatamad ako. The title is a spinoff ng isang riddle na ang sagot ay name or pangalan. I apologize, hindi ko masearch sa google yung exact words but I'm sure medyo familiar 'to to some people. Uso din kasi to nung elementary :)

Anong meron ako na wala ka?

It's my name. Pakalat kalat naman tong info na to sa school and sa facebook so I might I as well post it. Yung whole first name ko is Ruechelle Marish. In a sense, unique siguro yung pangalan ko since wala na atang may iba pang first name na ganyan ung spelling. The most popular being, Rochelle.

Madalas silang magkamali ng spelling sa first name ko. Tapos minsan din mahirap bigkasin tapos samahan mo pa ng surname ko, eh nako! hindi na ako natatawag sa klase :))))

Pero dapat talaga, ung first name ko daw is Bea Marish. O kaya Ruechelle Bea Marish? Kaloka! Hindi na naawa 'yung mga magulang sa mga batang natututo palang magsulat sa sobrang haba. 15 letters na yan tapos pag kasama ung surname ko, eh di 24 na. Parang alphabet lang?

Ruechelle. Nung elementary hanggang first few years ng highschool yan ung naging tawag sakin ng mga kaklase ko.




Chelle. Tapos nung last year ng highschool naging ganyan na lang sa mga close friends ko and some people.

Bea. Yan talaga nickname ko sa bahay kahit mukhang sobrang layo sa name ko I've told the history.

Ish. And finally, Ish. Sobrang hirap na kasing magpaliwanag at magcorrect ng mga tao kaya 3 letters na lang yung napili kong gamiting pangalan nung college ako. College eh, image change pwede, name change pa kaya?

Ewan ko kung anong trip ng parents ko pero lahat kami RM ung first names, and actually pati dad ko and his siblings' names start with R.

Naiinis po ako pag tinatawag akong Ruechelle ng mga taong may kilala sakin as Ish. Pero kahit sabihin ko yan, I'm proud of my name and I don't think I'd really change it.

Anong meron ka na wala ako?

Yang apelyido mo. Naks! :))))


No comments:

Post a Comment