Wednesday, January 22, 2014

The Gap (Pt.1)

All characters appearing in this work are fictitious. Any resemblance to real persons, living or dead, is purely coincidental. Unless ikaw si David Villamor, to whom this story is dedicated. (In loving memory. Joke!) Super uber late kung late, lakas maka-filipino time na birthday special. Oo, alam ko masaya ka na diyan sa Australia kahit nang-iwan ka. L

The Gap

Part 1
Draft 1
1/22/13 11:12am

Ngayon ay September 11, araw ng Huwebes.

Nagising ako sa tunog ng cellphone ko. May makulit na tawag ng tawag sakin. Wala sa wisyo kong sinagot yung tawag, ni hindi ko na nga tinignan kung sino yun dahil alam ko na.
Narinig ko mula sa kabilang linya ang mga salitang, ”Good Morning baby! Bumangon ka na diyan, baka malate ka pa sa school.”

Napangiti ako ng hindi oras. Napaka-morning person talaga nito ni Anna. Mag-iisang taon nang kami pero palagi niya pa rin akong ginigising at kahit kelan hindi ako nakarinig sa kanya.

“Good morning din sayo baby kong alam clock,” sabi ko. “Pasok ka na sa klase, papasok na din ako. Sabayan kita sa break mo ha?”

Bumangon na ko. Kumuha ako towel para makaligo na, makapasok at makita ang isa sa mga dahilan kung para saan ako bumabangon. Pero natigilan ako saglit, nagtext pa siya, kumain na daw ako ng breakfast with smiley.

XXXXXX

Nakita ko siya sa cafeteria, nakaupo nang nakaharap ang likod niya sakin. Seryoso siyang nagbabasa ng pocket book na malamang ay bagong hiram mula sa library. Lumapit ako sa kanya ng tahimik at dahan dahan. Tinakpan ko ng dalawa kong kamay ang kanyang mga mata.

Nagulat siya pero agad din naman siyang ngumiti. Hinawakan niya ang gaming mga kamay at nagkukunwaring sinabi ang, “Sino to?”

Nilapit ko ang mukha ko sa kanya at hinayaan kong dumapi ang aking mga labi sa kanyang pisnge. “Ayan, alam mo na?”

Tumawa siya. Tinanggal ko mga kamay ko. “Ano ka ba, nakakahiya!” sabi niya pero nakangiti siya.

Yung mga ngiti niya. Isa yun sa mga dahilan kung bakit paulit ulit akong naiinlove sa kanya. Sobrang infectious ng mga ngiti niya, yung tipo bang gusto mong palagi mo siyang nakikitang nakangiti o kaya naman tumatawa.

XXXXXXX


Hirap na hirap akong magisip kung saan kami mag-ccelebrate ng first year anniversary namin. Hindi ko rin alam kung ano bang dapat gawin. Gusto ko sana kasi yung unique at hindi ‘yung nakikita mong madalas na ginagagawa. Humingi na din ako ng advice sa mga kaibigan ko. Sa sobrang desperado ko, muntik ko na nga rin isama pati si Mama sa pagiisip.
In the end, nagdecide na lang ako na magweekend market kami. Being the foodie that she is, ‘yun na siguro ang perfect plan. Naisip ko rin na hindi naman siya maarte at maiinis lang yun sakin, imbis na matuwa kung gagastos ako ng malaki.

Dumating ang araw na pinakahihintay ko. Sinundo ko siya sa bahay nila gamit ‘yung kotse ng tito ko. Pinilit niya kasing ipahiram sakin. 

Naghintay ako sa garden nila, pinapasok na kasi ako ng mama niya. Kinamusta niya si Mama at kung kelan daw ako aalis para sumunod sa Australia. Na-confused ako saglit pero lumabas na kasi si Anna kaya hindi na ako nakasagot.

Paano ba naman ako sasagot? Natigilan ako nung nakita ko siya. Ang ganda niya. Bagay sa kanya ‘yung suot niyang dress at may kakaibang hangin na dala ang mga alon (waves ba? Lol) ng kanyang buhok. Niloko ko siya, “Kaya pala ang tagal mo.” Pero ‘yung totoo muntik na kong hindi makapagsalita.

Sa weekend market na kami kumain. Narealize ko na tama talaga ‘yung choice ko nung nakita ko ‘yung mga ngiti niya.  “Baboy!’ sabi ko habang sumusubo siya ng potato wedges.  Grabe ang dami na kasi niyang dala. Potato wedges, chicken fingers at croquette sa isang kamay tapos pinahawak niya pa sakin yung hotdog at isaw. “Hmp!” narinig ko mula sa kanya pero sinubuan niya ko.

Habang kumakain, umiikot kami. Ang dami ring magagandang  mga gamit, mga pangluto, mga damit, mga artworks at kung ano ano pa. Sakto ‘yung panahon, hindi ganun kainit at hindi rin ganun kalamig. Nakarating kami sa main walkway pero sa sobrang dami ng tao, nabitawan ko ‘yung mga kamay niya.

Hinahanap niya ko. Alam ko, hinanap niya ko. Ayaw pa naman kasi niyang magisa sa lugar na hindi naman niya kabisado. Tumugtog ang My One and Only You ng Parokya ni Edgar. Nasa kabilang dulo ako ng walkway. Nakita ko may kumalabit sa kanya. Nagulat siya, may nagabot ng rose na pastillas sa kanya, color pink. Isa, dalawa, tatlo, dinala siya ng mga tao sa direksyon ko. Apat, lima, anim hanggang sa maging eleven.

Nasa harapan ko na siya. Inabot ko ‘yung pang twelve na rose. Sabi ko, “para sa 12 months na minahal mo ko, na naging kasing sweet ka ng mga pastilas na ito. Hinampas niya ko sa balikat, maluluha luha ang mga mata niyang sinabi, “Kasi naman e!”

Nakakabingi yung hiwayan ng mga tao sa paligid namin. Lahat sila nakangiti’t nagaabang.

Niyakap niya ko. Sinabi ko sa kanya na mahal ko siya at ganun din siya sakin.

Akala ko noon, walang magbabago. Pero mali ako. Sabi nga nila, change is constant. And I was about to find out.



No comments:

Post a Comment