Hindi Ikaw
Draft 1 (1/26 8:56pm)
“It’s not you, It’s me.“
Ang pinakagasgas na linya na pwede mong magamit para
makipaghiwalay and such.
Pang apat na beses na atang nangyari sakin to. Apat na
beses, apat na magkakaibang lalaki.
“Hindi naman ikaw ang problema, ako.”
Siguro magkakaiba to ng ibig sabihin in context.
1.
Hindi naman ikaw ang problema, ako. Hindi ikaw
ang gusto ko.
2.
Hindi naman ikaw ang problema, ako. I need to find myself.
3.
Hindi naman ikaw ang problema, ako. I do not
deserve you.
4.
Hindi naman ikaw ang problema, ako. Ayaw na
kitang masaktan pa.
5.
Hindi naman ikaw ang problema, ako. Marami pa
akong gustong maabot.
6.
Hindi naman ikaw ang problema, ako. Hindi ko
kayang magseryoso.
7.
Hindi naman ikaw ang problema, ako. Priorities.
8.
Hindi naman ikaw ang problema, ako. Strict ang
parents ko.
I can go on and on about this at hindi pa rin siguro mauubos.
Guy #1
Naging kami ni guy #1 nung nasa highschool palang ako. Mas
matanda siya sakin ng 1 year in terms of year at sa age, hindi ko na matandaan
ngayon. Siya yung matatawag nating “jock”,
hindi ko kasi sigurado sa tagalog pero palagi siyang kasama sa Mythical 5 ng
basketball team. Feeling niya din pogi siya. (Kaya nga jock, and yes di ako
bitter, nagising lang po. Lol)
3rd year highschool ako nung time na ‘yun tapos 4th
year na siya. At dahil din dun sa gap na ‘yun, ibig sabihin mauuna siya sa
college. Iiwan na niya ko sa highschool. We had promised (lol) na kakayanin naming
yun. Kaya nung summer ng year before college niya, we spent the time together.
Nung first few months okay naman kami, constant
communication tapos minsan nagkikita. Eh ayun hinayupak, inabot na ng second
sem eh di nagkandaleche leche na. (try
ko lang yan J )
In the end, sinabi niya sakin ung #4, hindi naman ikaw ang
problema, ako. Ayaw na kitang masaktan pa. Tapos sinamahan pa ng complications
tulad ng #2, I need to find myself at #6 at #7 na madalas hand in hand,
priorities at strict ang parents. Imagine? Siguro mga 19 na siya nun, strict
ang mama niya. (lalaki un, it’s really not that usual.)
Guy #2
Nakilala ko si guy #2 dahil sa isang common friend. Mas matanda siya
sakin ng isang taon sa age at isang taon din sa year level. At that time,
college na ko nun. He was taking up Criminology sa isang university sa Manila.
(Ooops! I said too much, hi sayo!)
Matagal ‘yung proseso naming ni Guy #2 at matagal na din
pala siyang may feeling sakin tapos hindi ko alam. Madalas kaming magusap,
magtext tska na rin magchat. Tapos meron ding nakakatawang habit na uso sa
facebook nun’, yung wall to wall, so palagi niyang ginagawa ‘yun. Ito naman ako
sumasagot din.
Guy # 2 was almost perfect. Sobrang nakakatawa at hindi kami
nauubusan ng topic. Ilang butas ang meron sa isang skyflakes? Sa kanya ko
nalaman na 54 pala. Mga ganyan yung usapan naming pag wala na kami masabi.
Bakit may butas si spongebob? Alam ba ni Killua na nawawala yung kaptid niya na
si Usui? (Anime topic: Hunter X Hunter + Kaichou Maid-sama) Sobrang effort din,
babatiin ka ng good morning sa facebook sa umaga pag wala siyang load tapos online
ka, makikipagskype kahit inaantok na, magpapaload kahit on duty sa ojt niya. Tapos
sasamahan ka sa lugar na di mo alam tapos alam niya kahit may pasok siya.
(medyo BI) Pero hindi pogi. Pero hindi naman yun yung problema.
Hindi ko alam kung anong nangyari pero nagusap kami nun.
Sabi niya palagi niya daw nakakasama ung ex niya at ang sumatutal eh, gusto
niyang itry uli. (Tama ba? Baka ako lang nagsabi niyan) Siya ay isang #1, hindi
ikaw ang problema, ako. Hindi ikaw ang gusto ko. Pero baka ako lang talaga
nagsabi nung part nay un. Pero sigurado siya ay isang #2, I need to find myself
o mas kilala bila si space. At isa rin siyang #3, I do not deserve you. I do not deserve you daw kasi magkaiba daw
kami ng status sa buhay. (which is very BS) State college ba tawag dun sa
school nila? Basta something close ganun o yun nga. In short ang nagging ending,
langit ka, lupa ako.
Naguusap na kami ulit ngayon. Pero hindi niya parin naalis
sa sarili niya ung pagiging pessimistic o tingin na ang laki laki ng mga
problema niya sa buhay.
Guy #3
Si Guy #3 ay isang brother type. Ganyan yung relationship namin,
brother-sister. (Onii-chan! Lol) Matagal
na din kaming magkakilala tapos nagging close din kami ng girlfriend niya. He's this guy.
Nung naghiwalay sila ng girlfriend niya, nawala siya ng
parang bula. Tapos nung bumalik siya, naging close pa din kami. Sa sobrang dami
ng nasa guy #2, wala na kong maisulat kay guy #3. Well anw, si guy #3 ay mas
matanda sakin ng isang taon, nako, napaka-consistent theme na niyan dito ahh.
Ang course niya ay BS Computer Engineering or Chem ata? Nakalimutan ko L Basta engineering yun
sa isa ding state university sa Sta.Mesa.
Dahil sobrang parehas ni Guy #2 kay Guy #3, nangyari uli ang
nangyari. Langit ako, lupa siya or so he says, hindi pwede. So ito pagkatapos
magkagustuhan bigla kang babanatan ng ganun.
Meron pa palang isang hindi nakakatawang habit si Guy #3.
Palatanong. Palatanong ng mga bagay na tinanong na niya dati. Para bang hindi
nagppay attention.
Si guy #3 ay isang #3 (jackpot!!!) , hindi ikaw ang
problema, ako. I do not deserve you. At #7 na priorities.
Guy #4
This is where the shit hits the fan. Medyo fresh pa mga
alaala ko. Si guy #4 ang isa sa mga matatawag mong dream boy or matinee idol.
Pwede bang yan na lang description ko sa kanya?
Dream boy kasi dapat hindi ka na magising. Kasi kung magigising ka, nako
inday! Sira lahat ng pangarap mo. Joke! Oo, sobra naman ako.
Nagustuhan ko si Guy #4, hindi dahil sa itsura niya.
Hahahaha. Yan ba dapat kong sabihin? Sobrang hypocrite ko naman kung
ganun. Nagustuhan ko siya kasi mabait
siya, magaling makisama and so on. It’s really a pain na magkwento pa with all
the details. So forgive me if the details are sparse.
Try ko lang maging bitter baka gumaan pakiramdam ko. LOL.
In
the end, si guy #4 ay halos lahat ng bagay na yan, #1-#7.
1. Hindi ikaw ang gusto ko. Pag tinanong mo siya, I dedeny niya ‘yung #1 pero kasi ako,
hindi ko na alam.
2.
I need to
find myself. Bakit nawawala ka ba? Gusto mo pahanap ko kaluluwa mo? Meron
akong GPS tracker dito, tntrack kita.
3.
I do not
deserve you. Oh please! Paano mo naman nalaman?
4.
Ayaw na
kitang masaktan pa. Eh bakit mo ginagawa kung alam mo? At paano mo naman
nalaman?
5.
Marami pa
akong gustong maabot. Meron kami hagdan ditto. Kuha pa tayo panungkit.
6.
Hindi ko
kayang magseryoso. Huwag mong landiin kung hindi mo kayang saluhin.
7.
Priorities.
Lahat ng tao meron niyan. Wag mong gawing excuse. Compromise lang sagot
diyan. Bakit tingin mo pang #1 ka sakin?
“Hindi ikaw ang
problema, ako.”
Wag na wag mong iisipin na ikaw ‘yung problema. (Unless isa
kang psychopath or sobrang malandi) Wag na wag mo ring babaguhin ‘yung sarili
mo para sa ibang tao.
Maraming problema sa mundo, sing dami ng mga tao na hindi mo
pa nakikilala. There are endless possibilities. Sabi ni Ramon Bautista, there
is more to life than love.
Sa nangyaring mga ganyan, minsan naiisip ko, masyado ba kong
mataas? Am I to high to reach?
Sabi ng isa kong tropa, in-intimidate ko daw kasi mga
lalaki. Pero ngayon naisip ko, diba mas better? Because there will come a guy
na pipiliting abutin kahit gaano man to kataas (pero bullshit pa din tingin ko
diyan, it does not matter to me kung magkaiba tayo), kukuha ng hagdan,
escalator, elevator, aakyat ng Mt.
Everest or Mt. Apo, o kaya sa Burj Khalifa at susungkitin mga butuin.
A Time for
Everything
1 There is a time for everything,
and a season
for every activity under the heavens:
2 a time to be
born and a time to die,
a time to plant
and a time to uproot,
3 a time to
kill and a time to heal,
a time to tear
down and a time to build,
4 a time to
weep and a time to laugh,
a time to mourn
and a time to dance,
5 a time to
scatter stones and a time to gather them,
a time to
embrace and a time to refrain from embracing,
6 a time to
search and a time to give up,
a time to keep
and a time to throw away,
7 a time to
tear and a time to mend,
a time to be
silent and a time to speak,
8 a time to
love and a time to hate,
a time for war
and a time for peace.
(Ecclesiastes 3:1-8 NIV)
No comments:
Post a Comment