Friday, January 10, 2014

Sino 'Yang Kasama Mo?

I recently posted a photo on Instagram of me and a certain guy. It was captioned this way,

Naisip ko na gusto ko na ring isulat ung story namin way before lumabas ung pictures pero natabunan na ng natabunan. Dapat nga iba rin ung post ko today. However, dahil somewhat controversial kasi yang photo post eh ang dami na ring nagtanong sakin kung sino ba siya. Sobrang nakakatawa kasi pa-contorversial ang mga tanungan eh, "sino ba yan?", "ex mo?" and the likes. Ha! People, it's not that way. 

Simulan natin ung story sa pinakaumpisa ng mga bagay na naalala ko pa. 

Around 3 or 4 years old ata ako nun, umuwi kami ng lola ko sa province para dun muna magstay. May bahay dun ung kapatid ng lola ko who has 4 sons. To answer the question, siya ung bunsong anak ng kapatid ng lola ko or pwede mo na ring sabihing uncle ko. See? It's that funny.

Well anyway, kasi dahil 4 silang lalaki tapos ako nagiisang babae, natural napunta ung ibang attention sakin. So ayun, nagkaron ng selosan between ng bunsong anak and the new girl.

He was the first boy who always broke my heart kasi palagi niya kong binu-bully.

Favorite naming show at that time was ung hunter x hunter at pokemon sa gma. Yung ginagamit kasing naming TV eh ung nasa kwarto ng mama nila. Kaya ayun pagmanunuod na, illock niya ung pinto para siya lang manuod.



Tapos nasa second floor kasi ung mga kwarto namin, kaya pagbaba ko ng hagdan, gugulatin niya ko tapos bigla niya hahawakan ung paa ko. Madalas din kasi akong umupo dun sa hagdan tapos may bintana kasing katabi un, pag madilim na din dun, gugulatin niya ko.

Meron din kasing malaking puno ng sampalok sa labas, panakot nila na dun nakalibing ung tatay nila Mama. (lola)

There was also this incident na umabsent siya from school tapos may excuse letter na binigay sakin, siguro grade 1 na din ako nun tapos siya grade 6. Nakalimutan kong ipakita sa teacher yun kaya nagalit siya sakin.


Konti na lang ung naalala ko pero sigurado naman ako sa sarili ko na hindi ako ung may eksenang trauma or ganun. At kahit naman naalala ko yung mga yan, mas naalala ko parin yung fun times na magkakasama kami at ung mga years na I spent sa bahay nila. 

Throughout the years, umuuwi uwi pa din naman kami dun (bumalik ako sa manila at the age of 6 para sa grade 2). Pero siguro awkward pa rin ung things between us.

Kaya ngayon nung nagmeet kami uli, we found out that we get along really well. Nakakatawa din kasi nagsorry siya ng ilang beses na, sabi niya bata pa siya nun and he knows he was stupid. Ayaw na nga rin niyang maalala ung mga bagay na 'yun. Pero ehhh, wala na din naman un sakin.

Sino ba yang kasama ko?

He's the brother I never had. Dndevelop pa namin ung closeness namin kaya ngayon textmates kami. Hahahahaha. 


No comments:

Post a Comment