Tuesday, January 7, 2014

Bakit 'Di Ako Crush Ng Crush Ko?

Since blast from the past 'yung mga nakaraang weeks, naalala ko na naman tuloy tong nadelay na post na to. Tapos nakikita ko pa palagi 'yung bagong movie ni Kim Chiu at Xian Lim na Bride for Rent kaya naisip ko yung previous movie nila.

Bakit hindi ka crush ng crush mo?

Sobrang dalang ko magka-crush and there's actually a very funny or frustrating reason kung bakit.

To be on the safe side at para sa privacy na din ng lalaking to, I will not mention names. Haha. Pa-controversial!

Bumalik ako sa Manila nung 6 years old ako para mag-grade 2 sa school na malapit sa bahay namin, mga isang tricycle ganun. Hindi ko alam kung kelan ko siya naging crush pero pagpalagay na lang natin na grade 2. Although masasabi mo ding, ano ba yan, ang bata pa! Hahaha. For consistency's sake, grade 2 yung gagamitin nating year para magbilang.

Maaga akong nag-aral eh tapos hindi pa ko nagkinder two kaya ang smart smart ko lang noon. Haha. So same year ding 'yun nakilala ko 'yung best friend ko and 'yung mga tao that will surround me for the rest of elementary and some sa highschool na din.

Hindi ko rin alam kung bakit ko siya naging crush. Hindi ko na matandaan ngayon. Hindi ko na rin matadaan 'yung ibang events sa buhay "namin". Possibly significant parts na lang.

Marriage Booth. Nung grade 6 kami, napilitan kaming magmarriage booth kasi nahuli kami nung kabilang classroom tapos wala pa kong pambayad ng pang pyansa noon tapos ayaw din naman talaga nila kami aalisin. Ewan ko ba kung bakit uso 'yung mga ganito sa valentine's day ehh. Nakakatawa na nakakahiya na nakakakilig. Ata? Hahahaha.


Sa iba. Nung grade 6 din kami naging uso na samin yung ligaw ligaw na yan. So ayun, nanligaw siya sa iba. Siguro heartbroken ako noon sa news na to. Galante din kasi yun. If I remember correctly may chocolates and stuff toys ganun?

Pagbinilang mo grade 2 to grade 6, 4 years na yun. 4 years ko na siyang crush nung time na yun.

Bestfriend. And yes as cliche and unfortunate as this may sound, naging crush din siya ng bestfriend ko. I failed to mention na kasing tagal na din ng pagkakacrush ko sa kanya.

Palagi kaming magkaklase so hindi naman talaga nawala yung thought na crush ko siya. I started doubting kung crush ko nga ba talaga siya after a few more years pero hayy nako young mind.

Pero tanda ko na ang awkward ng mga bagay between us. Yung nakakahiya at nakakabinging awkwardness para sa mga bata. Palagi kasi kaming inaasar ng mga kaibigan at kaklase namin. Secretly okay yun sa part ko pero pano naman siya diba?

Naghighschool kami wala naman nagbago, crush ko pa din siya at hindi niya parin ako crush. Pero nagkakatext na rin kami nung time na yun. Nakakatawa na lang ngayon kasi I cherished those moments.

Siguro lumawak na lang din ng onti 'yung mundo ko nung highschool kaya nung nag 2nd year kami, hindi ko na siya crush. Naging mas okay din ung friendship namin kasi nawala onti onti ung awkwardness pero may mga times na inaasar pa din kami pero nagddeny na ko nun.

Naging sila ng bestfriend ko. 6 years ++ ko siyang naging crush so it came a shock din siguro para sakin na mabalitaan na sila being in the same school and all. Ang bilis ng bestfriend ko no. Hahahaha. Needless to say, I was happy for them. And kasama ko sa nanghinayang when it didn't work.

Hindi ako crush ng crush ko. But we are good friends now. I can proudly say na kasama siya sa mga lalaking I consider as close friends, kahit ang onti nila. (but that's another story) Nagkikita pa rin kami along with friends minsan and nagcchat din, kamustahan lang ganun. Wala ng akwardness between us and I find it funny pag naalala ko na naging crush ko siya.

Hello sayo kung mababasa mo 'to :)

And yes, ang lakas pala talaga ng kamandag mo because meron na naman akong friend na nagkaka-gusto sayo for so long now. Hindi ko alam kung crush pero we're slightly older than we were before malay mo, pagibig na kaya. Hahahahaha. Hindi niya pa din sinasabi sayo, manhid ka if hindi mo alam, it's very obvious :)


No comments:

Post a Comment