Sunday, January 19, 2014

Magaling Ako sa Math

Tuwing tatanungin ako kung anong course ko at sasagutin ko ng accountacy, lagi akong sinasabihan ng,
"Wow! Magaling ka pala sa math", which is so cliche.

Hindi ko maintindihan kung bakit palaging ganyan 'yung sinasabi ng mga tao, eh nagccalculator naman talaga kami. Don't get me wrong on this one. Kasi para sakin mas maiintidihan ko kung sasabihin ko sayo na engineering ako tapos sasabihin mong magaling ako sa math. Mas mahirap kasing intindihin yang sine, cosine, variables and etc. 

Madalas din akong tinatanong kung mahirap ba at palaging ko sinasagot na okay lang, kaya pa naman po, napagtiya-tiyagan. Well, please don't believe me. I take back everything I said. 

Mahirap po. 

At kung mahirap ung sine, cosine, etc., mahirap din pong magbalance ng balance sheet. Mahirap din magisip kung saan mo ba dapat ilagay, kung kasama ba, kung debit ba o credit, sa income statement ba o balance sheet, kung ikaw ba talaga magbabayad o hindi, kung anong method, mga ganun.


Aminado po ako. Yes, I am willing to say na nahihirapan din ako because I am not perfect na alam ang lahat and I will not claim to be. Ngayon ko kasi talagang naramdaman na mahirap. Hindi ko alam kung ano ba dapat ung reaction sa 45/60 ang passing score sa isang test. 45 being equivalent to 75. Ang hirap ng 0 based.


Tapos naisip ko din na may konting mali ako sa pagpili ng university or campus rather. Gusto ko din pala ng swimming na PE, o kaya archery o yung mga bagay na intersting . Gusto ko rin sanang magtake ng foreign language classes, mandarin, nihongo, spanish and etc. Siguro iba rin ung pakiramdam ng umattend ng events ng malaking campus.



Marami akong sentiments. Pero I would not transfer sa ibang campus or school. Our's is like a small town. 
Kilala ng lahat ang bawat isa, that is if you are friendly enough. Siguro kung hindi mo talaga kilala by name, baka familiar ung faces. And meron din ung mga sadyang kilala.

Pero kung ako ikaw, you don't really know people by name or by face. Sa friends ko, ako ung palaging dead kid or walang alam at di makasunod sa kwento kasi di ko kilala ung mga tao. But that's another story.

Although I said na nahihirapan ako, hindi po ako magsshift. Hindi yan sumagi sa isip ko. Sa ngayon nasa accounting technology ako, also known as AT. I'm aspiring for the double degree, pag natapos na sa AT, sabak naman sa AC.

Alam kong mahirap. Pero wala naman talagang course na madali diba? Lahat kailangan lagyan ng effort. Lahat kailangan gamitan ng isip. Kaya ko pa naman. Kakayanin ko. 

Hindi po ako magaling sa math, well not as good as I'd like to be. 

Sabi nila pag may tiyaga, may nilaga. Meron din sigurong adobo, caldereta, mechado, igado, bulalo, binangoongan, pinakbet, sinigang at marami pang iba. ;D 






No comments:

Post a Comment