Thursday, January 2, 2014

Space

SPACE
Draft 1 (01/03 | 12:48am)

Nagbago na ang lahat.

Bakit ko ba to naiisip? Matutulog na nga lang ako’t lahat lahat, maiisip pa din kita.
Sabi nila, ‘yung huling taong maiisip mo bago ka matulog at unang taong maiisip mo pag gising mo, mahalaga daw ‘yun sayo. Ganun ba ‘yun?

Hindi ko alam kung bakit pero hindi maalis sa isip ko na, nagbago na nga ang lahat.
Hinihintay ko ‘yung text mo. Ha! Text na nga lang hinihintay ko oh, hindi na nga tawag. Di ba gantong oras madalas tinatawagan mo ko para lang mag-goodnight? Goodnight pero isang oras pa tayong maguusap bago talaga tayo matulog.

Para kang nanay ko. Niloloko pa nga kita niyan eh. Minsan kasi pinapagalitan mo pa ko pag ayaw ko pang matulog. Palagi mo kong pinapaalalahanan na ‘wag akong magpuyat kasi lalaki ‘yung eyebags ko tapos may pasok pa bukas.

Eyebags. Palagi mong napapansin ‘yung mata ko. Oo, alam ko naman na malaki eh. Huwag mo na ding ideny pero gusto mo talaga mga mata ko.

Pero alam mo nung mga panahon na yun, tayo ‘yung couple na nakakasar kasi ayaw pang magpaalam sa phone kahit nagsabi nan g goodnight. Hahahaha. Nakakasar ‘yung mag ganong couple na, eh ikaw na magbaba, eh ikaw na, parang tanga diba? Pero pag ikaw pala ‘yung nandun sa lugar na ‘yun ang sarap sa pakiramdam na hindi mo rin gugustuhing ibaba ‘yung phone.

Naghihintay na lang ako ng text mo. Pero kahit nga text, ngayon wala eh.

Sa tuwing tumutunog ‘yung phone ko, naeexcite ako pero ang sakit sa dibdib pagnakikita kong hindi pala ikaw ‘yun. Wala ka bang load? Bullshit. Wala ka bang time? Bullshit. Busy ka ba? Bullshit. Manhid ka ba? Oo.

Forever.

Sino pa bang naniniwala sa salitang yan? At gaano ba yan katagal?

Gusto kong itanong kung ano ba talagang problema, kung meron ba talaga. Gusto kong sabihin sayo na, okay lang ako. Hindi pa din nagbabago ‘yung tingin ko sayo. Namimiss na kita. Namimiss mo na ba ko? Gusto kitang makita. Gusto kitang makasama. 

Hello! Naalala mo pa ba ko?

(Updated)


XXXXXXX

Nakakabagot.

Kakatapos lang ng prelims naming. Wala naman akong magawa. Hindi ka na naman nagttext. Ewan ko, hindi ko na masyadong pinapansin. Wala akong pake, sabi ko sa sarili ko.

Nagonline ako sa facebook. Aba! Online ka. Nakita ko yung status mo, feeling happy. Wow! Feeling happy. Ikaw na. Ang daming like, tapos may mga comment pa. Sino ba tong babaeng nagcomment dito? Malandi may pa heart heart pa! Tsss!

Nagchat ako sayo, sabi ko hello, kamusta ‘yung work mo? Sabihin ko sana, kamusta na mga malalanding babae diyan? Hehe pero wag na. Baka sabihin mo nagseselos ako ng walang dahilan. Baka ako na naman ‘yung OA.

Seen 1:43pm

Seenzoned. Ano? Hindi ka ba magrereply? Nako! Lagot ka talaga sakin pag hindi ka sumagot.

Ilang minutes ba dapat bago magreply? Kita ko pa ung comment mo sa status mo oh. Ano nobela ba yang tntype mo?

Naglogout.

Shit! Okay.

Okay lang.

Okay lang talaga.
XXXXXXX

Siraulo.

Siraulo ka. Nagtext ka sakin sabi mo magkita tayo sa usual place pero hanggang ngayon wala ka pa din. 1pm ang usapan natin pero alas dos na wala ka pa din. Namiss-out ko na ‘yung lunch. Nalilipasan na ‘ko ng gutom dito. Alam mo naman na mahalaga ‘yung pagkain sakin, pangalawa lang sayo.

Lagi ka na lang late. Syempre ‘yan na lang inisip ko. Tapos syempre traffic pa ngayon kasi Friday.

Naalala ko booksale pala ngayon. Dun na lang ako magpapalipas ng oras tutal kailangan ko na naman ng bagong librong babasahin. Convenient man ang mga ebook, iba pa din ‘yung tunay na libro diba?

Pero shit! Alas tres na eh. Text na ako ng text sayo pero hindi ka naman sumasagot. Nakailang tawag na rin siguro ako pero wala pa din.


Alas tres.

Alas kwatro.

Alas singko.

Ayoko na.

Ayoko ng maghintay sayo. Cannot be reached ka na.  4 na oras na ‘kong naghihintay sayo pero wala ka pa din talaga. Oo, alam ko tanga ko pero kailangan mo ba talaga kong pagmukahin pang tanga?

Paasa ka.

Pinaasa mo lang ako. Naisip ko, Wow! Finally! Ito na, may time na rin tayo sa isa’t isa. Pero punyeta hindi ka dumating.

Pakiramdam ko ako na lang may gusto nito eh. Ako na lang bang may pakialam sa ‘ting dalawa? Ano? Ganto na lang ba to? Pagkatapos ng lahat ganto na lang to?

Ang hirap hirap lumaban pag ikaw na lang ung may gusto. Pag ikaw na lang ‘yung umaasang meron pa.

Ala sais.

Umuwi na ko. Hindi ko na kaya. Hindi ko na mapigilan ‘yung luha ko. Ito nay un eh. Ito na ba talaga ‘yung hinihintay kong sign?
XXXXXXXXX

Hindi ko alam kung paano ko nakauwi. Pero ang alam ko nandito na ko sa kwarto, nakahiga sa kama, umiiyak.

Hindi ko na maidescribe kung ano ba talaga ‘yung nararamdaman ko. Pero masakit.

Ang sakit sakit.

Kahit saan ako tumingin, naalala kita. Ginawa ko na atang punching bag ‘tong teddy bear na bigay mo. Hinagis haggis ko na din ung ibang mga bagay dito. Kahit nga pumikit ako, hindi pa din nawawala eh.
May kumatok sa pinto ko. Tinatawag ‘yung pangalan ko. Delusional na ata ako, naririnig ko na din pati boses mo. Hahahahaha.

Kumakalansing ‘yung mga susi, pilit na may pumasok sa kwarto ko.

Nakita kita. Wala na. I’m far gone at nakikita na din kita. Binato ko ‘yung bear sayo. Tinanong kita, ano bang ginagawa mo dito? Kalmado lang ako. Pinapaalis kita pero ‘yung totoo, ayaw kitang umalis.
Bakit ganun? Pawis na pawis ka at ang dumi ng itsura mo. Ano bang nangyari sayo? Gusto kong itanong pero naalala ko ‘yung galit ko.

SInigawan kita. Gago ka! 5 na oras akong naghintay pero hindi ka dumating tapos ngayon nandito ka? Galit na galit na ‘ko. Hindi ko na mapigilan. Galit na galit na ko para sa lahat ng ginawa mo.

Naghintay ako sayo. Hindi lang ng 5 oras pero hinintay kong bumalik ang lahat sa dati.
Galit na galit ako sa lahat ng sakit na naramdaman ko mula sayo.

Hinampas kita. Minura. Sinaktan. Sinabi ko lahat ng gusto kong sabihin pero niyakap mo lang ako. Niyakap mo kong mahigpit at nagsorry ka.

Iyak ako ng iyak. Pero sa kabila ng lahat, umaasa pa din ako. Umaasa na magiging okay tayo.
XXXXXXXXXXXXXX

Tinanong mo ko kung tapos na ba ko. Hindi ako sumagot. Nagsorry ka. Sabi mo hindi mo sinasadya. Magagalit pa sana ako ehh pero sabi mo pakinggan muna kita. Syempre tanga ko kaya makikinig ako.
Sabi mo, papunta ka na talaga nun eh. Excited ka pa nga. Dala mo yung promise ring na binili mo. Ewan ko ba kung tanga ka o excited ka talaga at nilabas mo yun sa jeep. Nasnatch. Ganun kabilis. Sa isang iglap wala na. Sobrang lutang ka ba para mangyari yan?

Bumaba ka ng jeep. Hinabol mo ‘yung snatcher. Sabi mo ang layo na ng natakbo mo pero ang swerte mo kasi maraming tumulong sayo. Ang tagal ng habulan sabi mo, buti na lang naabutan niyo pa.

Nakuha mo uli ung singsing pero hindi ka nakaalis kasi nireport niyo pa talaga sa pulis. Hindi na sana sabi mo, kaso sabi nila pag ganyan, uulit pa talaga ‘yung mga yan.

Hindi ka na nakaalis agad. Tapos nalowbat pa yung phone mo kasi tawag ako ng tawag. Sinisi mo pa talaga ko? Bobo ka hindi ka nagcharge.

Nagsorry ka uli. Nagsorry ka kasi nung mga nakaraang mga buwan ang ilap mo sakin. Sabi mo kinailangan mong magisip. Kasi lumalaki na tayo eh. Iniisip mo ‘yung future na ‘tin.

Sabi mo sakin, ano bang binatbat mo sa accounting na tulad ko. Baka pagka-graduate ko at nagkatrabaho na ko, mas malaki pa sweldo ko sayo.

Na-insecure ka, natakot na baka maiwan ka sa bilis ng agos ng mundo.

Sabi ko sayo, hindi ‘yun mahalaga sakin. Sabi mo, kahit na pero mahalaga yun sayo.

Nagresign ka na pala. Naisip mo na ayaw mo na sa ganung trabaho, malapit ka nga sa computer pero hindi naman ‘yun ang napagaralan mo at hindi totoo ang asenso. Naghanap ka ng ibang trabaho, nagsimula ka ng magipon at sabi mo gusto mo ngang mag-aral uli.

Para sa ‘tin sabi mo. Para sa future natin.

Gago ka. Hindi mo ba kayang isipin yan ng magkasama tayo? ‘yan ung naisip ko pero masaya talaga ko.
Umiyak tayong dalawa. Hinawakan mo yung pisnge ko at pinunasan ‘yung luha ko. Pinatahan ko mo ko tapos ngumiti ka. Narinig ko ung sorry mo at naramdam ko ung dampi ng labi mo sa noo ko.

Hinawakan mo ‘yung kamay ko. Pinakita mo sakin yung singsing. Sabi mo sakin, hindi na ulit. Magkasama na nating haharapin ang lahat.


Hindi na ako naghihintay ng text mo. Kasi alam kong nandito ka na. 

Nandito ka lang, sa puso ko.


1 comment: