All characters appearing in this work are fictitious. Any resemblance to real persons, living or dead, is purely coincidental. Kung akala mo ikaw to, napaka-assuming mo naman. Echoserang palaka!
MATRIX
Unang Subok
1/21/14 10:21pm
Simula
Paano mo kakalimutan ang isang bagay na kahit kelan hindi naging iyo?
Ako si Josh, 18 years old, malamang lalaki, umiibig ng West Rembo, Makati City. (lol)
Nainlove ako sa isang babaeng ahead sakin ng isang taon. Kumbaga kung third year ako ngayon, siya naman fourth year na. Hindi ko rin sigurado kung bakit ko siya nagustuhan. Kilala kasi ako ng mga kaibigan ko na mapili sa babae. Sabi ko kasi priorities first.
Priorities. Mahilig akong magbasketball, yun nga lang walang sariling team ‘yung school naming. Bago pa lang kasi eh pero pag may mga events sumasali ako. Madalas pa din naman akong magtraining pag weekends. Tapos ang hirap pa ng course ko, magagaling daw sa math mga accountancy eh. (A/N: inside joke) Kailangan mong magbuhos ng time sa pagaaral kahit anong course naman siguro. Lalong lalo na’t gusto ko rin sana maging dean’s list. Ang dami dami kong gustong gawin sa buhay kaya sabi ko wala kong time sa love love na yan.
Pero kinain ko lahat ng sinabi ko nung nakilala ko siya.
First year lang ata ako nun tapos pumunta ko sa bahay ng kaklase ko. Nakaupo kami sa labas ng bahay nila. Hindi ko na maalala kung bakit pero nakatingin ako sa malayo. Nung tinawag ako ng kaklase ko, dun ko lang siya nakita na papalit. Hinahangin ang kulay brown niyang buhok ng slow motion. Tulad ng lahat ng bagay slow motion. Napansin niya na nakatingin ako at ngumiti siya. Bumilis ang tibok ng puso ko. At napatotohanan ko ngang may kakaibang cuteness ang mga dimples.
Pagkatapos nun pinakilala ako ng tropa ko. Nalaman ko na Amanda ang pangalan niya. Amanda, ang dreamy diba? Simula nun nagging friends na kami. Palagi kaming nagkakasalubong sa hallway tapos nagha-hi siya sakin. Minsan din naghhangout kami sa bahay nung tropa ko.
Isang beses naglaro kami ng mga kaibigan ko ng basketball. 40-42 na ung score tapos nakita ko na nandun pala siya. Kumaway siya sakin tapos nagcheer. Nagjoke ako sabi ko, para sayo tapos nagshoot ako ng 3 points. Eh di nanalo kami. Sa sobrang excitement niya niyakap niya ko, ang bango ng buhok niya. Nashoot. Nashoot nga ang puso ko.
Nung kinagabihan naisip ko ung mga bagay na nagustuhan ko sa kanya. Ang mahaba niyang buhok, magandang mata, ang makaagaw pansin niyang dimples pero higit sa lahat, mabait siya, matalino, hindi maarte. Basta ang dami dami kong naisip.
Dumating ung bakasyon, hindi na kami nagkikita kaya sa text o chat na lang kami naguusap. Siguro lagpas isang taon na rin nung mga panahon na yun. Palagi siyang nag-goodmorning, goodnight, kain ka na, yung mga ganun. Hindi ko madescribe kung ano kami eh. Pero masaya naman ako.
Di nagtagal hinanahatid ko na din siya malapit sa kanila. Minsan sinasabayan rin ko siya maglunch ng 12 kahit 3pm pa talaga pasok ko. In short, naginvest ako ng oras sa kanya at ang akala ko ganun din siya sakin.
Slow motion. Slow motion kaming nagkakilala. Slow motion akong nainlove sa kanya. Slow motion. Kasi hindi naman kami nagmamadali.
Ngayon, graduating na siya. Madalang na kaming makapagusap kasi busy na siya. Ang daming ginagawa, may thesis at kung ano ano pa. Sabi ko sa sarili ko okay lang sakin, para sa future niya yun eh.Konting kembot na lang niya, graduation na. 3 days, 1 week, mga 3 weeks din kaming di nagkakitaan sa school. Nagttext siya ng good morning, good evening tulad ng dati pero pagnireplayan mo, mangilang text lang, wala na. Gusto ko rin siyang ihatid pero lagi na lang siya may tatapusin o kaya nakauwi na.
Hindi ako nalulungkot sabi ko. Hindi ko siya namimiss. Alam ko kung ano ang importante.
Nagtext siya sakin, sabi niya “hello J”. Excited naman akong nagreply ng hi. Parang walang nangyari. Nakalimutan ko na nagging busy siya, nakalimutan ko na kahit konti nagtatampo ako. Nagplano kami na magkikita kami 5 days before yung graduation niya.
Dumating yung araw na yun, bumili ako ng flowers. Naghihintay na lang ako ng text para pumunta na ko sa Greenbelt. Pero hindi dumating yung text na ‘yun. Ang dumating lang isang salita, sorry.
Paano mo aaminin sa sarili mo na wala naman talaga?
Dineny ko. Naisip ko na baka busy na lang talaga kasi nga ganun na kalapit yung graduation. Sabi ko issurprise ko na lang siya sa graduation.
Umattend ako sa graduation niya. Bumili pa rin ako ng bulaklak para sa kanya. Kasama ako sa pumalakpak at nagging proud na nakagraduate na nga siya. Kasama niya yung parents niya tapos kapatid niya ata ung lalaking nakaakbay sa kanya.
Lumapit ako sa kanya. Slow motion ang lahat. Nakita niya ako, ngumiti ako sa kanya. Saglit na nagiba ung facial expression niya, hindi ko alam kung guni guni ko lang yun pero kumunot noo siya. Ngumiti din siya sakin. Inabot ko ung flowers sa kanya, sabi ko congratulations. Sabi niya sakin, salamat. Ngumiti lang ako.
Siguro ang awkward ng katahimikan nun. Humarap siya sa mama at papa niya, sabi niya “Ma, Pa, si Josh”. Nakipagshakehands ako sa magiging mama at papa ko. “Kaibigan ko po”. Naalala ko, strict nga pala parents niya. Hinawakan ng iniisip kong kapatid niya ang mga kamay niya, ngumiti siya at sinabing,”Si Tristan, boyfriend ko.”
Slow motion. Slow motion ding sinampal sakin ang mapait na katotohanan.
No comments:
Post a Comment