Tuesday, December 31, 2013

Alas Dose

Hello! Yung story na ‘to is inspired from the classic tale of Cinderella. I know, cliché right? Siguro medyo gasgas na pero naisip namin it would be fun to write.

Salamat sa brainstorm partner ko para sa story na to, Thanks B!

Hindi ko alam kung okay lang bas a tag-lish pero draft pa lang naman to. Forgive me J

Legend:
** Kailangan ba tong scene na to? 

ALAS DOSE

Draft 2 ( 01/01 | 12:46pm )

Paghuhugas.

‘Yan ung favorite kong gawaing bahay. Ewan ko ba, there’s something soothing sa paghuhugas. Parang therapy na din to para sakin, siguro kasi nakakapagisip ako habang ginagawa ko ‘to.

Unahin ang mga baso, isunod ang kutsara’t tinidor at tapusin sa mga plato’t pinaghainan. Sabunan, banlawan at iligpit, napaka-mundane na task pero paginisip mo parang may mas malalim na kahulugan. Like my life na napaka-routine na din, bahay-school, that’s all there is to it. Minsan nakakabother na din.

Nagbeep ung phone ko. Nagtext si Jenna, check ko daw facebook ko asap. Lol. Sino pa bang gumagamit ng salitang ASAP ngayon?

Pulang pula. Pulang pula ung facebook sa dami ng noti ko. Apparently, magkakaroon kami ng Christmas Party sa 20. Excited naman masyado mga tao, December 2 palang ngayon pero ang haba na ng thread tungkol sa topic na ‘to.

Pupunta ba ko? Yan ang malaking tanong. Hindi naman ako mahilig sa parties. ½ kasi hindi naman at hindi ako marunong sumayaw, ¼ kasi hindi ako umiinom at ¼ na din dahil mahilig lang akong kumain.

Hindi siguro. Ewan. Bahala na.

Kinabahan ako.

Habit ko yung humawak sa letter R sa charm bracelet ko pag kinakabahan ako.

Nagro-room to room yung student council ngayon para magannounce tungkol sa party. Tumingin ako sa kanya, ang gwapo niya talaga sa corpo. Tumingin siya sa direksyon ko pero umiwas ako ng tingin.

(Student council president siya, samantalang ako, normal na istudyante lang. Kumbaga, nasa highest rank siya ng ladder at ako, wala lang.)**

Bakit ba? Bakit ako kinakabahan pag ‘nandyan ka? Bakit hindi ako makatingin sayo ng diretso?

Nakakatawa kasi announcement lang naman to pero ang init ng pisnge ko.

Excited na naman yung buong klase. Half day ung klase sa 20 at 6:00pm magsstart yung event. Tinanong ako ni Monique kung anong susuotin ko. Eh ni wala nga sa isip ko yun eh. Natawa siya, spaced out na naman ako, ano daw bang tinitignan ko.

(“Pres!”, sumigaw si Monique. Nagulat naman ako. “Casual ba tayo?” Siraulo talaga to si Monique, akala ko talaga kung ano!
She smirked at me. Sabi niya, “sabi ko na nga ba eh!”)**

Ngumiti ako, sabi ko hindi ah.

Kinaumagahan ng Christmas Party

Kasama ko ‘yung buong tropa sa break. Nakakapagdecide na ako na hindi ako pupunta. Sabi ko sa kanila, curfew ko kasi ng 12mn, wala din naman akong dalang damit tapos wala pang bantay sa bahay.

** Lumapit siya samin, tinanong niya kami kung pupunta daw kami. Syempre naman, sagot nila kaso ito naman tong si Ana sinabi na hindi ako pupunta. Shit! Tumingin siya sakin, tinanong niya ko kung bakit tapos sabi niya sayang naman daw at last day na to, sana daw magbago isip ko.

Ngumiti lang ako. Ano ba! ‘yan lang ba talaga kaya kong gawin?
\
Matagal na siyang nakaalis pero asar pa din sila ng asar sakin. Pinipilit nila kong sumama pero wala ehh. Wala talaga kong dalang damit. Christmas Party ng nakauniform, okay lang? Alam ko mukha akong tanga pero kailangan ko pa ba talagang mas mag mukhang tanga?

“Girls, I have a great idea!”, narinig ko galling kay Eva.

Shit! Hindi ko alam kung great idea ba yan pero si Eva na daw bahala sa ‘kin. Ang OA ko naman pero si Eva to we’re talking about. I’m nowhere near as sexy as here. At lahat ng mga damit niya iniemphasize ‘yun.

Magic. (Pi pi ti pa pa ti poo!)

(Have I told you na bahay-school-bahay lang ako? Yes, I do care about what I look like pero I still consider myself na normal na tao. Argghh! ) **

Si Eva, ang fairy godmother ko sa storyang ito. Siya gumawa ng makeup ko, nagayos ng buhok ko at ngayon namimili ng damit. Tumawa si Eva, hindi daw maipinta ung mukha ko, ngumiti daw ako, maganda daw ako and I should know it.

(** In the end, dapat ung mapipili ni Eva is something princess-like,
Insert description ng lace na outfit, ng makeup at ng buhok **)

My Moment

I look like myself and not like myself. Ang galling talaga ni Eva, I can honestly say sa sarili ko na, ang ganda ko.

Part XX

10:30pm

Nagalarm na ‘yung phone ko. Kailangan ko ng umuwi kung gusto kong umabot sa curfew ko. 1 ½ oras ‘yung byahe pauwi, sakto lang sa 12mn.

Ang lakas ng sounds at ang daming tao ang nakapaligid sakin. I shouted over the music to my friends na kailangan ko ng umuwi. Pinilit nila kong magstay pero sabi ko hindi talaga pwede. Ewan ko ba kung pang-ilang thank you ko na to kay Eva at sa kanila tapos nagsimula na kong umalis.

May sumisigaw sa likod ko, hindi ko naman pinapansin kasi hindi ko naman alam na ako ‘yun. Tuloy tuloy lang ako in to the sea of bodies. May humawak sa kamay ko. Nagulat ako at napatingin ako sa kanya.

‘Yung president. Nakahawak siya sa kamay ko. Shit! What do I do? Tinanong niya ko kung saan ako pupunta tapos sabi ko uuwi na ako. Sabi niya, mas lalo daw akong gumanda ngayong gabi, wag daw muna akong umalis.

Nabingi ako. Nakakabingi yung mga sinabi niya. Ngumiti ako, like I always do, sasagot pero before I knew it, naanod na ko sa mga taong nagsasayawan. Nagwave goodbye ako sa kanya.

At tska ko lang din napansin, wala na yung charm bracelet ko.

  
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

NOTES:
  1. 1.       Ang bobo ng prince charming, hindi alam yung pangalan ng bida ditto, gaano ba kalaki school niyo? Lol. Error ba to sa story ko?
  2. 2.       Nahihirapan ako sa pagdescribe. Haha
  3. 3.       Nagsswitch ung POVs or nagkakadialouge 


No comments:

Post a Comment