PERO
Draft 1 (12/31 | 6:02pm)
3 years.
Ganyan na tayo katagal na
magkakilala.
3 taon, 1 linggo at 1 araw to be
precise.
Nakilala kita dahil sa mga kaibigan
ko. Uso pa nun ung mga pages sa facebook tapos admin ka ng isang sikat na page.
Nung araw na yun, hindi ko naman alam na may GEB kayo. Naisip ko pa nun,
napaka-jologs ng mga ganung event. Pero siguro mahiyain lang talaga ko at
mahirap magmeet ng mga tao na hindi ko naman talaga kilala and for safety
reasons na din.
Naghello ka sakin. Ano bang una
kong sinabi sayo? Hindi ko na matandaan. Siguro ngumiti lang ako, Gawain ko sa
mga taong hindi ko naman kilala. Medyo show off na din ng dimples. Lol.
Hindi ka naman, sa opinion ng
society, pogi. Siguro malakas ung dating pero nung mga panahon na un, wala pa
un sakin.
Naging friends tayo. Minsan
nagkakachat, nagkakatext at nagkakasama rin with our mutual friends.
Friends.
That’s all there is to it, diba?
Tapos nun nagka-girlfriend ka. Due
to some unknown circumstances, nagging close kami. Palagi pa nga siyang
nagsusumbong sakin tska nagkwwento. One time, nagkita pa nga kami para lang
pagusapan kung ano ba dapat surprise niya sayo.
Ano bang nangyari? Hanggang ngayon
nga hindi ko pa rin alam pero naghiwalay kayo. Nandun ako para sa kanya, sabi
niya, sabi mo hindi na nagwwork tapos nawala ka na. Pinuntahan ka niya sa
school niyo, matagal siyang nagantay dun pero hindi ka niya nakita.
Matagal ka din talagang nawala.
Naalala mo pa ba?
Pero isang araw tnext mko. Nagkakausap
na tayo uli. Hindi naman ako nagtanong kung ano ba talaga nangyari.
Sinamahan mo ako sa Luneta. Medyo
pathetic na nakakatawa kasi hindi talaga ko marunong magcommute. Hindi ko rin
alam sa bwiset naming prof sa Rizal kung bakit kailangan pang magpunta dun, magpapicture
at gumawa ng reaction paper. May pasok ka pa nga ata nun eh? Nako! BI ko naman
kasi nagcutting ka.
Simula nun, palagi na tayong
naguusap. Lumalabas kahit wala ung mga kaibigan natin.
Hindi ko alam kung kelan ba
nagbago ung tingin ko sayo o kung kelan ba naging ganito ung nararamdaman ko.
The feeling is mutual. Sinabi mo
sakin na gusto mo ako.
Gusto mo ako kahit ang labo labo
kong kausap. Gusto mo ako kahit ang moody ko, minsan ang sungit ko sayo. Gusto
mo pa din ako kahit alam mo na lahat ng tungkol sakin, okay man o hindi.
Pero.
Pero may pero.
Pero hindi pwede. Pero hindi pa
ngayon. Pero takot ako. Maraming pero.
3 years.
Ganyan na tayo katagal na
magkakilala.
At siguro, ganyan na din tayo
katagal na ganito.
Hanggang kelan pa ba tayo magiging
ganito?
No comments:
Post a Comment