Thursday, December 5, 2013

HINDI PWEDE 1

HINDI PWEDE
Draft I
12/26/2013 1:35pm

Hindi ko alam kung kelan ko ito unang naramdaman. Siguro nung unang beses na nakita ko siya, matangkad, maputi, matangos ang ilong at chinito (?), mga characteristics(?) na na-aattract ako sa isang lalaki. O baka nung nakita ko siyang tumulong sa mga bata sa kalye, madalas kasing iwasan o pag-isipan ng masama ang mga tulad nila. O di kaya naman nung nalaman kong magaling siyang sumayaw, meron talaga lagging spark sa mga lalaking ganito. Hindi ko alam kung kelan. Basta ang alam ko, nararamdam ko na to.

Lunes, pinaka-nakakainis na araw sa isang lingo. Maaga akong dumating sa school para maghintay sa wala. Tatlong oras na subject tapos walang prof? Hindi makatarungan!
Lumabas ako ng school para tumambay sa mini stop na katapat lang nito. Ano bang gagawin ko sa loob ng tatlong oras? Nagheadset ako at nagdesisyong magpatugog habang tinitignan ang mga taong dumadaan. Naisip ko, napakaraming mapangpanggap sa mundo. Sa may ramp, may mga nagyoyosi, umaastang astig at untouchable, walang kinakatakutan. Pero sa loob din nila, may boses na gustong kumawala. Hindi alam ang gagawin kaya sa ganitong paraan na lang din ginagawa.
Sumagi sa isip ko na umuwi na lang, nasasayang ang oras. Pero natigilan ako. Umupo sila sa kalapit na mesa, ang lalaking pinapangarap ko at ang girlfriend niya.  Mukhang may problema sila. Pinilit kong hindi pansinin pero halata sa mga actions nila. Hinaan ko ang volume at kahit alam kong hindi dapat, nakinig ako.
Hindi sila okay. Yes! May pag-asa na din kami! Nakakatawa, sinampal ko sarili ko sa aking isip. Ilusyonada!
Lumipas ang araw na ‘to na parang walang nangyari pero hindi ko maalis sa isip ko, matindi na nga ang nararamdaman ko.

XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX

                Ilang araw ko na siyang hindi nakikita. Hindi ko alam kung may kinalaman ba ‘to sa nangyari nung isang lingo o sadyang hindi ko lang talaga siya nakakasabay.
Malungkot ako.
Sumakay ako ng jeep, oras naman ng paguwi. Tumingin ako sa labas at hinayaang pumalo ang hangin sa aking mukha. Pumikit ako at naisip kong wala ng pag-asa ang araw na to.
“Bayad po.”
Narinig ko ang boses niya. Tumigil ang lahat. Dalawang tao lang ang pagitan naming sa isa’t isa. Hindi ko alam kung bakit hindi ko siya napansin pero nasabi ko sa sarili ko na sana hindi na lang ako pumikit.
“Bayad po.”
Inulit niya ang mga katagang ito. Napatingin ako sa kanya at tska ko lang na-realize na hinihintay niyang may magabot ng bayad. Gusto kong abutin ang bayad niya. Kahit madaplis man lang sana ang mga kamay ko sa kanya. Pwede na yun sa holding hands para sakin.
Slow motion ang lahat. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Pinagpapawisan ang mga kamay ko, pakiramdam ko ang tagal ko magisip. Ano ba! Iaabot mo na!
In-extend ko ang aking kamay na astang kukunin. Pero huli na ang lahat. May nagabot na.
Nainis ako sa sarili ko. Ayun na ung chance ko pero nawala pa!
Bumalik ako sa pagiging malungkot. Malapit na siyang bumaba, hindi ko na naman alam kung kelan ko siya makikita.


XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX

                December 5. Birthday ng tropa ko. Napilitan akong pumunta kasi matagal ko na siyang kaibigan at magagalit yun pag di ako pumunta. Blackmailer pa naman yun.
                Hindi ako mahilig sa party. Hindi naman ako sumasayaw at mas lalong hindi din naman ako umiinom. Pasado alas dose na nung dumating ako. Fashionably late ika nga. Niyakap ko yung tropa ko, binati ko siya at binigay ang regalo niya.
                Umupo ako sa lamesa sa sulok, ang daming taong hindi ko kilala. The party was in full swing.(?) At ako lang siguro ang KJ na nakaupo. Pagkain. Yun lang ang habol ko dito. Siguro pagtapos ng isang oras uuwi na din ako. Pumunta naman ako diba?
                Sa kabilang dulo ng bar may mga nabasag. Hindi ko maintindihan pero nagkakagulo na. Tumingin lang ako, wala naman akong pakealam dapat diba? Apparently, may love triangle na nagaganap.
 Nakita ko yung lalaking nakatalikod. Tindig palang alam ko na. Kinabahan ako. Hindi ata maganda ang pupuntahan nito. Pero nangyari nga. Sinapak niya sa mukha ‘yung lalaking kasama ng girlfriend niya. Nagulat ang lahat. Nagulat din ako.
Lumabas siya sa bar. Hindi ko alam, pero naisip kong sundan siya

XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX
Walang mga bituin sa langit. Tulad ng mga mata niya ngayon, walang ningning.
Bumuhos ang ulan at kasabay nito tumulo din ang kanyang mga luha.
Gusto kong lapitan siya at payungan. Gusto kong punasan ang mga luha niya.  Gusto kong yakapin siya at kung kaya ko lang, aalisin ko yung sakit na nararamdaman niya. Gusto kong sabihin, “kaya mo yan, nandito lang naman ako. Ako, hindi ako aalis”.
Gusto kong gawin ang lahat ng ‘to.

Pero hindi pwede. Lalaki din ako.

No comments:

Post a Comment