Haha. Ano ba yan. Wrong lyrics na.
When I said malabo, I meant it in the literal sense. Ang labo talaga ng lahat in reality. Sobrang inspired ng post na 'to because I was reminded of that fact last night.
Have I told you the story kung bakit malabo mga mata ko?
Actually, hindi ko rin alam kung san nagsimula eh. Para bang isang araw nagising na lang ako, malabo na. Pero hindi naman pwede yun di ba?
Mahilig po akong magbasa. I can attribute this to that fact.
ANG NAKARAAN ..
Elementary pa lang ako parati na ako yung batang nanghihiram sa library. Nagstart ako dun sa mga short stories ng scholastic, R.L Stine na puro mga horror tapos nag move sa Little Women, Narnia at marami pang iba. Yung library card kasi namin nun 3-fold tapos back to back siguro mga 20 books sa isang fold pero nakakaubos ako ng mga up to 2 library cards nun.
Hanggang ngayon kilala pa din ako nung librarian. (Hi Teacher Jane! :))) )
Paano ko ba eexplain? Hmm. Sa sobrang fascinated ko sa mga libro, pag nagbabantay ako ng tindahan tapos may bumibili nagbabasa pa din ako kahit nagtitinda. (Adik yan) Hindi ko talaga mabitawan yung book.
Mabilis po akong magbasa. Siguro kasi pag marami ka ng nabasa nasasanay ka na din sa flow of words or so sabi nila. Yung Harry Potter Chamber of Secrets, isang araw lang yun sakin. Siguro mga ganun kakapal kaya ko. Hindi naman sa pagyayabang pero ung LOTR (Lord of the Rings) Series tapos ko in 1 week or less. Ganyan po ako kalala.
Here comes the stupid/funny part, hindi ko din alam paano iddescribe eh, pero sa sobrang adik ko, pinapagalitan ako sa pagbabasa ng libro. I mean who does that? Haha. Sinong parent ang magagalit pag mahilig ka magbasa? Pero siguro ganun lang talaga kalala. Pero sa sobrang tigas ng ulo ko, nagtatago ako. Nagbabasa sa dilim.
So in the end, hindi ko napansin pero lumabo yung mundo ko.
First signs nun para sakin, pag nagiging fuzzy ung surroundings next nun sasakit ung ulo ko tapos mahihilo ako then vomiting na.
Actually nung una, corrective lang naman ung eyeglasses ko eh. Sa vision express pa un sa MOA. (Not sure kung correct to) tapos lagi ko kasi nawawala ung salamin ko, siguro nung highschool ako mga naka-3 salamin ako. Eh pag di mo kasi sinusuot ung salamin mo, lalo lalabo ung mata eh. Boom! Naging 3.00 ba yun?
Eh medyo naginarte na kasi ako nung fourth year tapos nauso na din yung contact lens. Haha. Ang funny kasi green pa nga pinili ko. Yes! Feeler!
PRESENT
Last night was the worst. Sobrang sama ng pakiramdam ko. Akala ko kaya ko pero hindi pala. Halos gumapang na ata ako pauwi. Ang hirap kasi pigilan nung vomiting eh. Tapos pababa baba ka pa sa fx. Ang alog alog pa sa byahe. At one point napilitan pa akong magtangal ng contact lens, eh wala akong salamin. So ayun, umuwi akong malabo ang mata. Nakakatakot tumawid. Hindi ko majudge ung distance nung cars, nung road pero I'm glad I got home in one piece.
Ikaw. Yes ikaw. It's your fault, hindi mo kasi ako inaalagan ehh. Hahahahaha. Whatever.
Ewan ko ba kung kelan ko matututunan tong lesson na to. I still feel bad at the moment. Gustong gusto ko kumain pero pakiramdam ko isusuka ko pa din. Worst punishment of all -.-"
Gusto kong matulog ng 12345678 years.
Laser. Yan na lang solution.
No comments:
Post a Comment