Hindi Ikaw
Draft 1 (1/26 8:56pm)
“It’s not you, It’s me.“
Ang pinakagasgas na linya na pwede mong magamit para
makipaghiwalay and such.
Pang apat na beses na atang nangyari sakin to. Apat na
beses, apat na magkakaibang lalaki.
“Hindi naman ikaw ang problema, ako.”
Siguro magkakaiba to ng ibig sabihin in context.
1.
Hindi naman ikaw ang problema, ako. Hindi ikaw
ang gusto ko.
2.
Hindi naman ikaw ang problema, ako. I need to find myself.
3.
Hindi naman ikaw ang problema, ako. I do not
deserve you.
4.
Hindi naman ikaw ang problema, ako. Ayaw na
kitang masaktan pa.
5.
Hindi naman ikaw ang problema, ako. Marami pa
akong gustong maabot.
6.
Hindi naman ikaw ang problema, ako. Hindi ko
kayang magseryoso.
7.
Hindi naman ikaw ang problema, ako. Priorities.
8.
Hindi naman ikaw ang problema, ako. Strict ang
parents ko.
I can go on and on about this at hindi pa rin siguro mauubos.
Guy #1
Naging kami ni guy #1 nung nasa highschool palang ako. Mas
matanda siya sakin ng 1 year in terms of year at sa age, hindi ko na matandaan
ngayon. Siya yung matatawag nating “jock”,
hindi ko kasi sigurado sa tagalog pero palagi siyang kasama sa Mythical 5 ng
basketball team. Feeling niya din pogi siya. (Kaya nga jock, and yes di ako
bitter, nagising lang po. Lol)
3rd year highschool ako nung time na ‘yun tapos 4th
year na siya. At dahil din dun sa gap na ‘yun, ibig sabihin mauuna siya sa
college. Iiwan na niya ko sa highschool. We had promised (lol) na kakayanin naming
yun. Kaya nung summer ng year before college niya, we spent the time together.
Nung first few months okay naman kami, constant
communication tapos minsan nagkikita. Eh ayun hinayupak, inabot na ng second
sem eh di nagkandaleche leche na. (try
ko lang yan J )
In the end, sinabi niya sakin ung #4, hindi naman ikaw ang
problema, ako. Ayaw na kitang masaktan pa. Tapos sinamahan pa ng complications
tulad ng #2, I need to find myself at #6 at #7 na madalas hand in hand,
priorities at strict ang parents. Imagine? Siguro mga 19 na siya nun, strict
ang mama niya. (lalaki un, it’s really not that usual.)
Guy #2
Nakilala ko si guy #2 dahil sa isang common friend. Mas matanda siya
sakin ng isang taon sa age at isang taon din sa year level. At that time,
college na ko nun. He was taking up Criminology sa isang university sa Manila.
(Ooops! I said too much, hi sayo!)
Matagal ‘yung proseso naming ni Guy #2 at matagal na din
pala siyang may feeling sakin tapos hindi ko alam. Madalas kaming magusap,
magtext tska na rin magchat. Tapos meron ding nakakatawang habit na uso sa
facebook nun’, yung wall to wall, so palagi niyang ginagawa ‘yun. Ito naman ako
sumasagot din.
Guy # 2 was almost perfect. Sobrang nakakatawa at hindi kami
nauubusan ng topic. Ilang butas ang meron sa isang skyflakes? Sa kanya ko
nalaman na 54 pala. Mga ganyan yung usapan naming pag wala na kami masabi.
Bakit may butas si spongebob? Alam ba ni Killua na nawawala yung kaptid niya na
si Usui? (Anime topic: Hunter X Hunter + Kaichou Maid-sama) Sobrang effort din,
babatiin ka ng good morning sa facebook sa umaga pag wala siyang load tapos online
ka, makikipagskype kahit inaantok na, magpapaload kahit on duty sa ojt niya. Tapos
sasamahan ka sa lugar na di mo alam tapos alam niya kahit may pasok siya.
(medyo BI) Pero hindi pogi. Pero hindi naman yun yung problema.
Hindi ko alam kung anong nangyari pero nagusap kami nun.
Sabi niya palagi niya daw nakakasama ung ex niya at ang sumatutal eh, gusto
niyang itry uli. (Tama ba? Baka ako lang nagsabi niyan) Siya ay isang #1, hindi
ikaw ang problema, ako. Hindi ikaw ang gusto ko. Pero baka ako lang talaga
nagsabi nung part nay un. Pero sigurado siya ay isang #2, I need to find myself
o mas kilala bila si space. At isa rin siyang #3, I do not deserve you. I do not deserve you daw kasi magkaiba daw
kami ng status sa buhay. (which is very BS) State college ba tawag dun sa
school nila? Basta something close ganun o yun nga. In short ang nagging ending,
langit ka, lupa ako.