Based on a true story.
Ilocos, isa sa pinaka-magandang probinsya sa Pilipinas. Nasa northwest ng Luzon at pwede mo na ring masabi na nasa dulo ka na ng Pilipinas dahil sa mapuputing buhangin at parang hindi natatapos na karagatan.
Pumunta kami sa Ilocos, hindi lang dahil sa beach kundi para na din sa kultura at mga tila ba napagiwan na ng panahon na mga tanawin dito.
Siguro mga nasa higit 7 na oras bago kami nakarating sa Ilocos mismo. Ginamit namin ang bago naming van at handa kami para sa mahaba naming paglalakbay. Puro tulog lang siguro ginawa ko sa byahe. Puro din kami stop over, picture dito, picture doon kahit may bakas pa ng tuyong laway at magulo ang buhok. Kahit nga mga marker o kahit saan talagang pwede tigilan para magpapicture, tinitigilan namin.
Isa sa mga paboritong kong tourist spot ay ang Cape Bojeador Lighthouse o kilala din bilang Burgos Lighthouse. May nakita kaming sign sa gilid ng daan na yung maliit na daan daw na yun ay papunta sa isang lighthouse. Kumanan kami at sinundan naman yung daan hanggang dumating sa pataas sa isang burol na ang tawag pala ay Vigia de Nagpartian.
Maganda sa taas. Hindi ka pa nga nakakakyat sa mismong lighthouse eh halos kita mo na ung dagat at ung mga dinaanan para makupunta ka dun. Yung lighthouse mismo din ay sobrang nakakamangha na nakakatakot kasi feeling mo talaga may kakaibang meron sa lugar na yun. Tipo bang pag dumilim na, eh may babaeng maglalakad sa corridor o di kaya'y masasagi bigla ng ilaw ng lighthouse.
Bukod pa sa lighthouse, nagustuhan ko din yung Bangui Windmills. Iba talaga ang galing ng utak at science. Siguro, isa to sa mga rason kung bakit mayaman ang Ilocos. Dahil may sarili silang pinagkukuhanan ng energy. At hindi rin naman masama kung hindi sasayangin kung ano meron na kayang ibigay ng kalikasan.
Pero yung pinakagusto ko ay yung beach. Iba pa din talaga yung hatak ng dagat ehh. White sand, endless sea, iba yung katahimikan na nabibigay nito sayo. Kahit saglit meron kang peace of mind. Pagudpud, Ilocos Norte, God's gift to tired souls. Pero hindi ko lang alam kung natuwa ba ko dahil mahangin o nilamig talaga ko. Pag-ahon ko kasi sa tubig, akala mo may epilepsy ako sa panginginig sa sobrang lamig ng hangin eh.
Nakakalungkot na magpaalam sa isang napakagandang lugar pero kailangan eh, may pasok na kasi kinabukasan. Umalis kami ng bandang alas-syete sa Pagudpud at tumalak na pabalik ng Maynila.
Pagod sa buong araw, siguro matutulog na naman ako sa byahe. Ngayong pauwi, 'yung tito ko na yung magddrive dahil sa probinsya naman at tntest drive ang bago sasakyan. Dalawa sila ni Papa sa harap, si papa muna habang tinuturo niya kung paano ba ang dapat gawin.
Madilim sa daan, nakakatakot pero probinsya nga kasi to diba? Isang oras, dalawang oras, mga ganun na siguro ako katagal na tulog. Mahaba ang high-way at puro bahay pa sa gilid ng daan.
Tumigil kami sa gilid ng daan at bumaba si Papa para lumipat sa likod. Si tito na ang magddrive at tumabi na ang asawa niya sa harap para makatulog naman si Papa. Palitan ang style sa mahabang byahe.
Nakabukas ang bintana ko, may tumigil na nakamotor sa gilid namin. Nagsalita siya, tinatanong kung bmbyahe ba daw kami at kung pwede daw bang makisakay hanggang Laoag. Sabi niya hinabol lang daw nila kami at isasakay nga nila ang isang sundalo.
Kinabahan ako bigla. Hindi ko alam kung bakit. Narinig ko ang tito ko na nagsasalita sa Ilokano. Medyo barok dahil matagal na silang hindi nagsasalita nun at hindi rin siya masyadong marunong. Naiintindihan ko lahat ng sinasabi ng lalaki dahil isa rin naman akong Ilokana.
"Mabuting kami met manong", pa ulit ulit na sinasabi ng tito ko. (Takot po kami kuya) (manong-kuya/respeto)