Hello! Yung story na ‘to is inspired from the classic tale
of Cinderella. I know, cliché right? Siguro medyo gasgas na pero naisip namin
it would be fun to write.
Salamat sa brainstorm partner ko
para sa story na to, Thanks B!
Hindi ko alam kung okay lang bas
a tag-lish pero draft pa lang naman to. Forgive me J
Legend:
** Kailangan ba tong scene na to?
ALAS DOSE
Draft 2 ( 01/01 | 12:46pm )
Paghuhugas.
‘Yan ung favorite kong gawaing bahay. Ewan ko ba, there’s
something soothing sa paghuhugas. Parang therapy na din to para sakin, siguro
kasi nakakapagisip ako habang ginagawa ko ‘to.
Unahin ang mga baso, isunod ang kutsara’t tinidor at tapusin
sa mga plato’t pinaghainan. Sabunan, banlawan at iligpit, napaka-mundane na
task pero paginisip mo parang may mas malalim na kahulugan. Like my life na
napaka-routine na din, bahay-school, that’s all there is to it. Minsan
nakakabother na din.
Nagbeep ung phone ko. Nagtext si Jenna, check ko daw
facebook ko asap. Lol. Sino pa bang gumagamit ng salitang ASAP ngayon?
Pulang pula. Pulang pula ung facebook sa dami ng noti ko.
Apparently, magkakaroon kami ng Christmas Party sa 20. Excited naman masyado
mga tao, December 2 palang ngayon pero ang haba na ng thread tungkol sa topic
na ‘to.
Pupunta ba ko? Yan ang malaking tanong. Hindi naman ako
mahilig sa parties. ½ kasi hindi naman at hindi ako marunong sumayaw, ¼ kasi
hindi ako umiinom at ¼ na din dahil mahilig lang akong kumain.
Hindi siguro. Ewan. Bahala na.
Kinabahan ako.
Habit ko yung humawak sa letter R sa charm bracelet ko pag
kinakabahan ako.
Nagro-room to room yung student council ngayon para
magannounce tungkol sa party. Tumingin ako sa kanya, ang gwapo niya talaga sa
corpo. Tumingin siya sa direksyon ko pero umiwas ako ng tingin.
(Student council president siya, samantalang ako, normal na
istudyante lang. Kumbaga, nasa highest rank siya ng ladder at ako, wala lang.)**
Bakit ba? Bakit ako
kinakabahan pag ‘nandyan ka? Bakit hindi ako makatingin sayo ng diretso?
Nakakatawa kasi announcement lang naman to pero ang init ng
pisnge ko.