Wednesday, February 26, 2014

Napeggad


Based on a true story.

Ilocos, isa sa pinaka-magandang probinsya sa Pilipinas. Nasa northwest ng Luzon at pwede mo na ring masabi na nasa dulo ka na ng Pilipinas dahil sa mapuputing buhangin at parang hindi natatapos na karagatan. 

Pumunta kami sa Ilocos, hindi lang dahil sa beach kundi para na din sa kultura at mga tila ba napagiwan na ng panahon na mga tanawin dito.

Siguro mga nasa higit 7 na oras bago kami nakarating sa Ilocos mismo. Ginamit namin ang bago naming van at handa kami para sa mahaba naming paglalakbay. Puro tulog lang siguro ginawa ko sa byahe. Puro din kami stop over, picture dito, picture doon kahit may bakas pa ng tuyong laway at magulo ang buhok. Kahit nga mga marker o kahit saan talagang pwede tigilan para magpapicture, tinitigilan namin.

Isa sa mga paboritong kong tourist spot ay ang Cape Bojeador Lighthouse o kilala din bilang Burgos Lighthouse. May nakita kaming sign sa gilid ng daan na yung maliit na daan daw na yun ay papunta sa isang lighthouse. Kumanan kami at sinundan naman yung daan hanggang dumating sa pataas sa isang burol na ang tawag pala ay Vigia de Nagpartian.

Maganda sa taas. Hindi ka pa nga nakakakyat sa mismong lighthouse eh halos kita mo na ung dagat at ung mga dinaanan para makupunta ka dun. Yung lighthouse mismo din ay sobrang nakakamangha na nakakatakot kasi feeling mo talaga may kakaibang meron sa lugar na yun. Tipo bang pag dumilim na, eh may babaeng maglalakad sa corridor o di kaya'y masasagi bigla ng ilaw ng lighthouse.

Bukod pa sa lighthouse, nagustuhan ko din yung Bangui Windmills. Iba talaga ang galing ng utak at science. Siguro, isa to sa mga rason kung bakit mayaman ang Ilocos. Dahil may sarili silang pinagkukuhanan ng energy. At hindi rin naman masama kung hindi sasayangin kung ano meron na kayang ibigay ng kalikasan.

Pero yung pinakagusto ko ay yung beach. Iba pa din talaga yung hatak ng dagat ehh. White sand, endless sea, iba yung katahimikan na nabibigay nito sayo. Kahit saglit meron kang peace of mind. Pagudpud, Ilocos Norte, God's gift to tired souls. Pero hindi ko lang alam kung natuwa ba ko dahil mahangin o nilamig talaga ko. Pag-ahon ko kasi sa tubig, akala mo may epilepsy ako sa panginginig sa sobrang lamig ng hangin eh.

Nakakalungkot na magpaalam sa isang napakagandang lugar pero kailangan eh, may pasok na kasi kinabukasan. Umalis kami ng bandang alas-syete sa Pagudpud at tumalak na pabalik ng Maynila.

Pagod sa buong araw, siguro matutulog na naman ako sa byahe. Ngayong pauwi, 'yung tito ko na yung magddrive dahil sa probinsya naman at tntest drive ang bago sasakyan. Dalawa sila ni Papa sa harap, si papa muna habang tinuturo niya kung paano ba ang dapat gawin.

Madilim sa daan, nakakatakot pero probinsya nga kasi to diba? Isang oras, dalawang oras, mga ganun na siguro ako katagal na tulog. Mahaba ang high-way at puro bahay pa sa gilid ng daan.

Tumigil kami sa gilid ng daan at bumaba si Papa para lumipat sa likod. Si tito na ang magddrive at tumabi na ang asawa niya sa harap para makatulog naman si Papa. Palitan ang style sa mahabang byahe.

Nakabukas ang bintana ko, may tumigil na nakamotor sa gilid namin. Nagsalita siya, tinatanong kung bmbyahe ba daw kami at kung pwede daw bang makisakay hanggang Laoag. Sabi niya hinabol lang daw nila kami at isasakay nga nila ang isang sundalo.

Kinabahan ako bigla. Hindi ko alam kung bakit. Narinig ko ang tito ko na nagsasalita sa Ilokano. Medyo barok dahil matagal na silang hindi nagsasalita nun at hindi rin siya masyadong marunong. Naiintindihan ko lahat ng sinasabi ng lalaki dahil isa rin naman akong Ilokana.

"Mabuting kami met manong", pa ulit ulit na sinasabi ng tito ko. (Takot po kami kuya) (manong-kuya/respeto)

Tuesday, February 25, 2014

1, 2, 3 .. Asawa ni Marie

Sabi ko sa sarili ko sisipagin na ko magpost since gumawa naman ako ng bagong blog which is in tag-lish na nga tapos personal pa. But my last post was way too long ago for my liking. I have no valid excuse or reason for this except, the truth na tamad lang talaga ko.

That being said, today's post is inspired by the conversation my Mom and my uncle had. "Pano mo ba talaga malalaman kung sino sa mga pasahero ang hindi pa nagbabayad?"

My parents are in the UV Express Service business or what my friends, maarte-ly call it, shuttle. Right now, we have about more than 5 PUVs (hindi ko na sasabihin ung exact number, baka makidnap na talaga ko sabi ng parents ko. LOL) that travel from Antipolo to Ayala Ave, vice versa. Baka nakasakay ka na sa isa sa mga 'yun pero hindi mo lang alam.

Kaya ayun, alam ko din naman yung mga paghihirap ng mga drivers at kung ano ba talaga nangyayari pag-gumarahe sila. So I am ashamed to admit na, yes, nakapag-123 na ako. Pero I swear, accident lang talaga yun. Oo nga. Really. It was.

This happened way back tapos maaga kami pinauwi from class for some reason na nakalimutan ko na. Sumakay ako ng FX as I always do at wala naman kasing ibang way. That time, sa harap pa talaga ko umupo. At dahil nga ganun ung nature ng business ng parents ko, of course kilala ko ng barker sa terminal. Kaya ayun, friendly din kami ng driver.

Siguro studyante ako at siguro mukha kong mabait kaya sobrang comfortable lang ung driver sakin. Sa sobrang comfortable niya, pinapabasa niya ung text sa kanya. (kasi kakailanganin niya pa ng reading glasses and the text was business related) Nakikipag-kwentuhan din siya sakin at sumasagot naman ako ng maayos.

Sidetrack muna tayo. I know some people will think "Hmp! Driver lang naman yang mga 'yan eh!" But i'll have you know, lalo na sa mga taong tingin nila mas magaling sila kasi nagttrabaho sa opisina o kaya may mga "pinagaralan", that drivers make more than the average employee or even yung mga considered na mataas ang sweldo. Kumbaga, mga 4++ minimum wage workers ang katumbas na kita ng isang driver na nagbboundary at siguro mga 6-8 minimum wage workers para sa mga may sariling sasakyan. An average driver will make atleast 2000 pesos a day at depende rin yan sa driving conditions. Kaya sana wag natin isipin na mas better tayo or what. Besides, lahat naman dapat nirerespeto.


Sunday, February 2, 2014

Timid

Super thanks to my new found BFF for listening to my crazy ideas, storyline, rants at 2 in the morning. Binola pa ko pwede na daw pang short film. Kakaloka ka masscom! Oo, acknowledgement page to J
Hello sa number #1 fan ko! :D

TIMID
Draft 1 02/02 12:28pm

Anong unang napapansin mo sa isang tao?

October 16, Wednesday
Itong araw na ‘to katulad lang din ng ibang araw. Walang nangyari iba, kung ano yung kahapon, ganun din ngayon.

Inabot ko yung bayad nung babaeng nasa likod sa driver.  Iningatan kong hindi mahulog yung mga barya. Ang lambot ng kamay niya. Parang ang manyak pakinggan pero ‘yun ang unang bagay na napansin ko sa kanya.  “Valley golf po”, Narinig kong sinabi niya.

Inabot ko yung sarili kong bayad sa driver, “Floodway po”, sabi ko. Nagheadset ako at naisip ko, ganito na lang ba talaga gusto kong gawin sa buhay ko?

Magdadalawang taon na kong nagta-trabaho sa isang BPO company sa Makati. Monday to Friday, 8am to 5pm pumapasok ako. Gigising ng 6 ng umaga, papasok sa trabaho, uuwi ng 5:30 ng hapon, kakain, magiinternet saglit, maglalaba kung meron lalabhan, matutulog. Araw araw sa nakaraang taon ganyan.

Para saan pa ba ko bumabangon?

October 28, Monday
Niyaya ko ng mga katrabaho ko na lumabas ngayon. Nagdahilan ako, sabi ko marami akong gagawin tsaka masama pakiramdam ko. Ewan ko ba, ayoko lang talagang makipagusap ngayon.

Naghintay ako ng fx pauwi. Sumakay ako sa bandang likod. Nakahinga naman ako ng maluwag nung makita ko na isa na lang ‘yung kulang.  

Nakabukas ‘yung pinto. Kinukuha ng barker ‘yung mga bayad. Sumigaw siya, “Oh isa na lang, aalis na!” Uwing uwi na ko kaya yumuko ako. “Hi kuya!” narinig kong sinabi ng isang pamilyar na boses. Napalingon ako sa direksyon na pinangalinan ‘nun.  “Oh kanina pa nga kita inaantay”, sabi ng barker.

Umupo ‘yung babae sa katapat kong upuan. Ngumiti siya pero hindi ko alam kung sakin ba o sa barker.
Ang sama talaga ng pakiramdam ko kaya pumikit na lang ako.

November 6, Wednesday

Ang haba ng pila sa terminal. Hindi ko alam kung bakit.  Pero nakita ko siya ngayon. Siguro, mga tatlo o apat na tao lang ‘yung layo niya sakin. May nagtanong sa kanya kung pa-Tikling daw ba ‘yung mga fx at kung paano pumunta ng Simbahan ng Taytay. Narealize ko na ang cute pala ng boses niya.

Naisip ko rin na siguro naapektuhan na talaga ng computer screen mga mata ko. Hindi ko siya makita ng malinaw. Parang medyo blurred na din ‘yung ibang mga nakasulat sa signs, hindi ko na mabasa.

Ano kayang pangalan niya?

November 15, Friday         
Naalala ko ‘yung babaeng nakikita ko sa FX. Hindi ko alam kung siya ba talaga ‘yun pero hawig niya ‘yung tumatawid galling RCBC papuntang columns.

Pakiramdam ko stalker ako.
\
Kung nasan siya, nandun din ako.

Kung anong ginagawa niya, ginagawa ko din.

November 27, Wednesday
Ngayon ko lang narealize na palagi ko pala siyang nakakasabay. Nakakatawa pero parang jinu-justify ko ‘yung pakiramdam ko na stalker ako.

Random thought lang kasi nauna lang siya ng isang fx sakin ngayon.

Mabilis ko kasi siyang mapansin or siya lang talaga ‘yung tipo ng tao na pansinin. Paanong hindi? Eh parang ang outgoing niyang tao. Tuwing makikita ko siya, palagi niyang binabati ‘yung mga driver o kaya mga barker. In a sense siguro, naisip ko na hindi siya maarte. Ano bang term ditto? Bukod sa matapobre? Basta! Hindi siya ganun eh.

Meron kasing ibang tao na porke’t driver o barker, eh iniisip na nila na mas mataas sila dahil trabaho nila sa opisina.

Ewan ko ba! Ang ganda lang nung vibe na ganun.