Siguro yung pinakamagandang pagbabago na nangyari sakin dahil sa college, eh yung kumapal yung mukha ko.
Paano ko ba nasabing maganda yun?
Hint: Dati pagbabayad lang sa jeep, nagaalangan pa ako o kaya yung pag sabi ng "para", hiyang hiya pako. (Isa rin sa reason kung bakit hindi ako nagccommute yan.)
Mahiyain po ako. Haha. Siguro yung mga kaibigan ko o mga nakakakilala talaga sakin hindi naniniwala. (Oo, alam ko umiiling ka diyan.)
Honestly, dini-dread ko talaga yung mga first day. Syempre kasi ayokong magpakilala tapos kailangan mong makipag-friends sa new people. Eh hindi pa naman ako ganun. Yung tipo bang ako una kakausap sayo. Gusto ko ako pa yung unang i-aapproach bago ako makipagusap kasi kung hindi, hala bahala ka diyan.
MAGSAWA KA :))) |
Siguro yan din yung reasons kung bakit onti lang yung mga friends ko. Don't get me wrong, ang ibig kong sabihin is friends na isang tawag mo lang eh andiyan na agad.
Hmmm. Paano ba? Nung highschool ako syempre masasabi mo na oh maarami akong friends, eh syempre naman elementary pa lang magkakakilala na kami. Pero yung talagang masasabi kong mga kaibigan ko, bilang lang din siguro talaga.
College? In reality, ang hirap talaga ng first day. At super thankful ako para sa taong naging bestfriend ko ngayon. Oh jusko po! The pains of making new friends. Yung tropa ko ngayon, matagal din at medyo mahaba ang pinagdaan pero I know we're closer than ever.
Initially, nung nagbusiness ako naging problema ko yung pagiging mahiyain. Naisip ko, hala pano to? Immeet ko sila pero di ko sila kilala, kakausapin ko sila mga ganun. Pero kaya ko naman pala.
Thankful po ako sa experiences. Im proud to say na makapal na mukha ko. Helllooo! Nagbabayad na ako ng maayos sa jeep ngayon. Nagtatanong na din ako sa mga guards at sa sales lady. Nakikipagusap na din ako sa iba. (Pero mahirap pa din, mga weeks pa para kagadjust sa mga di ko ka-block). Naghhi na din ako sa mga barker (dun sa terminal kasi nga member ung mga sasakyan namin dun). Minsan nakikipagkwentuhan na din ako sa mga ibang driver bukod sa mga driver namin. Haha.
Pero hindi ko pa din kayang sumayaw at kumanta sa harap ng ibang tao. Hinay hinay lang po. Baka matagalan pa.
No comments:
Post a Comment