Friday, November 29, 2013

Bakit Di Magawang Limutin Ka?

Bakit di magawang limutin ka
Bawat sandali'y ika'y naaalala
Tangi kong dasal sa Maykapal
Makapiling kang muli. 🎶🎶🎶 
Friday. Payday. Holiday.

Triple reasons kung bakit ang daming tao at grabe din ang traffic.

Hello sa mga schoolmates ko na naka-long weekend. Kamusta naman kaming hindi? Haha.

Hindi na ako nakakapag-sabi ng TGIF ngayon. Grabe naman kasi yung class ko pang 6-9pm. Isang subject lang, di ba nakakatamad yun? Eh paano pag nalate pa yung prof? Eh di wala na. 


Pero iba yung ngayong friday, because hurraayyyy(!), finally treating myself to a slice of blueberry cheesecake. 

Isa sa mga favorite cake ko pero hindi ko madalas makain since hindi kasi madali mahanap. 

I know what you're thinking, easily available sa starbucks or any well-known coffee shop? Pero jusko po! Who will shell out that kind of money para sa isang slice? Definitely not me. 

Dati kasi sa bucket ng KFC, before yung choco mousse, eh blueberry cheesecake yun. (Haha. Think this is too long ago.)

Tapos pag naiisip ko naman yung presyo sa cheesecake etc., hindi ako makahinga. Lol. 1k++ para sa isang cake? Ilang kilong bigas na un! May ulam na din 😂😂😂 

Anw, back to today. Yes! Kinalimutan ko na kuripot (joke) ako. 



Thursday, November 28, 2013

Ang Kapal ng Mukha Ko

Hello! Eto na naman tayo sa controversial title. Lol.

Siguro yung pinakamagandang pagbabago na nangyari sakin dahil sa college, eh yung kumapal yung mukha ko.

Paano ko ba nasabing maganda yun?

Hint: Dati pagbabayad lang sa jeep, nagaalangan pa ako o kaya yung pag sabi ng "para", hiyang hiya pako. (Isa rin sa reason kung bakit hindi ako nagccommute yan.)

Mahiyain po ako. Haha. Siguro yung mga kaibigan ko o mga nakakakilala talaga sakin hindi naniniwala. (Oo, alam ko umiiling ka diyan.)

Honestly, dini-dread ko talaga yung mga first day. Syempre kasi ayokong magpakilala tapos kailangan mong makipag-friends sa new people. Eh hindi pa naman ako ganun. Yung tipo bang ako una kakausap sayo. Gusto ko ako pa yung unang i-aapproach bago ako makipagusap kasi kung hindi, hala bahala ka diyan.

MAGSAWA KA :))) 

Siguro yan din yung reasons kung bakit onti lang yung mga friends ko. Don't get me wrong, ang ibig kong sabihin is friends na isang tawag mo lang eh andiyan na agad.

Hmmm. Paano ba? Nung highschool ako syempre masasabi mo na oh maarami akong friends, eh syempre naman elementary pa lang magkakakilala na kami. Pero yung talagang masasabi kong mga kaibigan ko, bilang lang din siguro talaga.


Wednesday, November 27, 2013

Weirdo Fact #1: Maasim Ako

Nakakatawa! Sobrang dami mong pwedeng isipin sa title na 'to. (Tip: Mas controversial or mas interesting ang title, mas most likely na pipindutin ito ng reader. Lol) Nakaka-WTH db?

Maasim ako. Hindi po nagmamaganda at mas lalo ring hindi mabaho. Haha! Naisip ko din, matanda na parang Madam Auring lang na sasabihin sayo, "may asim pa ako."

Maasim - Sour

Mahilig po ako sa maasim.

(Photo: Market Manila)

Tulad ng sampalok/tamarind na ito. Isa sa mga favorites ko pero gusto ko 'yung totoo kesa dun sa mga nakawrapper ng yellow (ano tawag dun?) na 3/4 sugar tapos 1/4 sampalok.

Nung bata kasi ako, dun ako kina Mama Glo nakatira tapos merong malaking puno ng sampalok sa labas. (Tinatakot ako dati ni Kuya Aries na dun na nilibing si Tatay someone) Tapos yun kinakain ko 'yung hinog na ganun syempre may halong asin. Pero mas masarap pa din kasi 'yun pag ginawang candy ni Mama.
Hanggang ngayon, pag may time o kaya pag may umuuwi or pumupunta dito, nagpapadala pa din ako nun.

.
(Photo: Market Manila)

Ohh shit! Bakit ko pa pinaparusahan sarili ko?

Indian mango, kasama din sa mga favorite ko. Pag summer kasi marami dito niyan sa bahay, may puno kasi kami ng mangga. (San ba ako nakatira? Sa bundok?) Sobrang nakakalunod, minsan nalalaglag na lang sila o kaya nabubulok. Pero ayun, mas masarap kasi siyang kainin ng may alamang. Syempre pati yung alamang, ginasa din ni Mama. Lol. Everything organic daw kami.

Tuesday, November 26, 2013

Bakit Hindi Ako Tumataba?

Ito yung pina-common, pinakamadalas at pinaka-nakakatawang tanong sakin.

Siguro yung normal na sagot, eh dahil sa metabolism ko. Minsan hindi kapanipaniwala kasi like everyone else, madalas akong tamad. 😂 Pero baka bulate sa tiyan 😂😂 ( Pero sabi ni Ma'am Cordovilla, hindi daw. Pag may bulate sa tiyan, malaki ung tiyan!)

Bakit hindi ako tumataba? Palagi kong sinasabi na, "Hala! Tumaba na kaya ako."



This is me, fourth year highschool, mga 2010 ata? Hala. Wag mo na pansinin kung ano man pinapasin mo diyan 😂😂

Cosplay ng Gods and Goddesses para sa school pero nakalimutan ko na ung tawag sa event na yun.

Malakas po talaga ako kumain. Hindi ko iddeny at hindi ko kinakahiya.

RICE RECORD 
Mang Inasal - 5

Tokyo Tokyo - 5

Normal na Araw - 2 

Sa bahay - isang kaldero (pero sabi lang ni mama yan 😂)

Mahilig po ako sa kanin. Kumbaga yung ratio na 1:3, 1 ung ulam tapos 3 ung kanin. Tapos lately pag kumakain kami sa mcdo, ang lagi kong order 1 pc tapos spaghetti. Carbs on carbs ba. Gusto ko din ng pizza, siguro mga 4 na slice kung pagbibigyan 😂😂




And ito naman ako, summer ng 2012 sa Universal Studios. Ikaw na bahala magcompare. Haha.


HOW TO STAY THIN


Monday, November 25, 2013

PANIMULA


Most, if not great, ideas are born in the shower. 💡

Kadalasan din sa byahe, pag traffic, pag masyadong matagal at pag walang ginagawa.

What are ideas? 💡 Sa sobrang powerful ng brain, hindi na din bago/ napapigilan ang magisip ng mga bagay bagay.

Naisip ko lang na gawin tong blog na today habang nasa tricycle ako papunta sa supplier ko. What's in a blog? Para sa blog na to, random stuff lang tungkol sakin. Mga bagay na gusto kong ishare, mga bagay na mas maganda din siguro kung nailalabas, siguro pang cure din ng boredom or siguro takot lang ako na ma-amnesia sa future. Lol




I've decided na isulat ang mga sumusunod na entry sa english at tagalog. Call it conyo, baduy, jejemon o ano pa man ung gusto mo. But this is as me as you can get. May mga bagay na mahirap itranslate sa tagalog. Pero may mga bagay pa rin na tagalog lang ang makaka-express ng mabuti.

At kung hindi ka pa sawa, well magsasawa ka. Joke 😂 Kilala mo na ba ko? Well, you're in for a surprise 😁